Lunes, Agosto 7, 2017

BIKTIMA KA BA NG KULAM AT BARANG?


Kulam 


Alam niyo ba o hindi? Ang pangkukulam ay isa ding misyon ng mga taong nagbebenta ng kanilang mga kaluluwa sa hukbo ng mga demonyo o masasamang espiritu o kay satanas mismo. Ang kanilang pinakasecreto upang lalong lumakas ang kanilang kapangyarihang makapaminsala ay ang kanilang unang misyon. Inuutosan sila ng mga demonyo na patayin nila sa pamamagitan ng kulam ang kanilang sariling mga anak, kapatid, magulang at mga malalapit na kamag anak. Ng sa gayoy mapapalakas nila ng husto ang kanilang taglay na kapangyarihan at sa bawat tao na napapatay nila kamag anak man o hindi ay lalo silang lumalakas. 

Hindi nakapagtataka na ang mga mangkukulam ay kung sinu sinu na lamang ang kanilang papatayin o pinsalain at kung may magbabayad sa kanila upang maminsala at pumatay ng kapwa, madali na lang ito sa kanila. 

Buhay paman sila ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay lumalangoy na sa nagbubulid na apoy sa impyernong walang kamatayan. Nakakatakot ang kanilang mga ginagawa. 

Narito ang ilan lamang sa mga sintomas kapag ikaw ay nabiktima na nila :

1. Balisa
2. Laging nag iisip
3. Matamlay
4. Pagod lagi
5. Hindi makatulog
6. Nagigising ng dis oras o madaling araw
7. Parang tinutusok ng karayom ang ibang parte ng katawan
8. Pamamanhid
9. Laging binabangongot
10. Pawisan ng malamig na walang dahilan
11. Nakakarinig ng kung ano ano
12. Takot lumabas sa bahay
13. Takot makihalobilo sa mga tao
14. Sobrang mapag alala
15. Karamdamang hindi nakikita ng mga doctor
...... at marami pang iba.


BARANG

Kakayahan ng isang taong nag eespirituwal upang mapasuko niya ang lahat na hayop at insekto sa kaniya at magagawa na niyang kontrolin at isailalim ng kanyang kapangyarihan ang mga kaisipan ng mga ito. Inuotusan niya ang mga hayop at insekto upang maminsala sa kapwa, pumapasok sa katawan ng kanilang nagiging biktima at minsan ay pinupuno nila ng kulisap ang bahay ng kanilang nabibiktima. Mahirap ang barang kapag napabayaan, mas masahol pa ito sa kulam. Namamatay ang kanilang mga biktima sa pamamagitan ng pagpasok ng mga insekto at kulisap sa katawan ng isang tao. 

Mambabarang ang tawag sa taong nakakagawa ng pagkontrol ng mga insekto at mga hayop upang makapaminsala sa kapwa-tao.

Itong mga gamot na inyong matutunghayan sa ibaba ay mabisang gamot at kalasag laban sa kulam, barang, tigalpo, palipad-hangin at lahat na epekto ng mga masasamang mahika. Ang mga langis na ito ay siyang kinasisilawan ng mga masasamang espiritu at masasamang nilalang.





Mga kapatid, kapag ilan sa mga sintomas na ito ang inyong nararamdaman, nasa 60% na ikaw nga ay biktima na ng masamang kapangyarihan. 

Magpasuri sa pinakamapalapit na eapiritual healer sa inyong lugar o magmensahe na lamang kayo dito sa santo verbo de dios.

Kompletohin lamang ang mga sumusunod :

1. Pangalan ng pasyente
2. Adres
3. Kapanganakan
4. Lates picture
5. Karamdaman

O makipag ugnayan na lamang sa mga sumusunod:

FB Page : www.facebook.com/kumandersator/
Mobile : +639100487695 / +639291474160


"Ikinararangal ko ang makatulong sa inyo".

Maraming salamat mga kapatid at muli, magandang umaga.


10 komento:

  1. Magandang hapon po nais q po sana humingi ng tulong dahil sa akoy nakakaranas ng mga nasabing sintomas ng kulam at laging nanlalamig ang aking mga braso minsan nmn mo ay biglang mamanhid ang aking mga kamay at paa, balisa at di makatulog sa gabi. Laging mabigat ang aking balikat nawa'y matulungan nyo po aq G0D BLESS YOU

    TumugonBurahin
  2. sir madam ako po sana matulungan niyo bigla nalang po ako di makatulog tas lage ko naiisip kabit ng asawa ko..

    TumugonBurahin
  3. Kahit po natutulog ako ay tumataas ang presyon ko tapos ay binabangungot ako..pggising ko ay dko alm ang mga pinagsasabi ko.

    TumugonBurahin
  4. gandang gabi po . ako po ay may palipad hangin. nakakaramdam po ako. ng. wala sasarili. lutang ang isip. nagsasalita. gamit ang isip. sana po matulungan nyo ako.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. MAGPUNTA sa pinakamalapit na manggagamot espirituwal upang masuri ng personal

      Burahin
  5. Saan po maaaring makabili ng pangontra sa kulam?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. https://www.ebay.ph/sch/m.html?_nkw=&_armrs=1&_from=&_dmd=2&_ssn=msk-svdd&_sop=1&rt=nc

      Burahin
  6. Magandang gabi po dito po ako sa california lahat po ng sinyalis na inilagay nyo ay may ron po ako sa loob ng sampung taon paulit ulit kopong nararamdaman ang lahat ng iyun pls help po

    TumugonBurahin
  7. San pong lugar no kasi parang iba naramdaman ko parang tinotosok ung kamay ko daliri

    TumugonBurahin
  8. Bro good pm pg tinotosok po and kamay kulam po yan pwedi pong makahingi ng ruling orasyon sa kulam from janeth Cristo of novaliches q.city

    TumugonBurahin

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...