Lunes, Enero 7, 2019

MUTYA NG LANGKA

Mutya ng Langka (buto ng langka na naging bato)

- ang bisa nito ,kapag ito umano'y inilagay sa bibig ng isang nanganganak ay walang pagsalang madaling lalagsang ang bata at hindi maghihirap ang ina. Ang mga manghihilot na may mutya ng langka ay madaling nakakapagpalabas ng bata sa tuwing may sinaklolohan itong nanganganak.
- mainam din sa negosyo
- ingatan din dahil mapapalapit ka sa tukso, kung ikaw ay lalake ay lapitin ka ng babae gayun din sa babae maging lapitin ng lalake.
Note : Ang aking mga mutya na ipinopost ay personal kong pagmamay-ari at hindi ko pinalilimosan. Lahat yan ay orihinal na mutya. Bago ko man ito ipinost, humingi ako ng pahintulot ng mga gabay mula sa kalikasan. Ang sinomang magnanakaw ng mga larawang ito at ibebenta sa ibat ibang grupo ng karunongang lihim ay ipinaalala ko sa inyo na huwag ninyo silang tangkilikin upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob na mga scammer.
Akin lamang itong ipinopost sa layunin na mabigyang kaalaman ang mga kapatiran na may mga ganitong mga gamit mula sa kalikasan.

FB PAGE : https://www.facebook.com/pg/Mga-Sagradong-Karunongan


4 (na) komento:

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...