Lunes, Enero 7, 2019

Mutya ng Mangga

MUTYA NG MANGGA (Buto ng mangga na naging bato)

- Sinasabing isa sa pinakamagaling na amuleto na ginagamit sa pagpapalago ng negosyo. Ayon sa mga nakakatanda, ang mga taong may taglay nito ay likas na may kakayahang manghikayat gamit lamang ang matatamis na mga salita sa larangan ng pakikipag usap lalo na sa usaping pangkalakalan.
Ang aking mga mutya na ipinopost ay personal kong pagmamay-ari at hindi ko pinalilimosan. Lahat yan ay orihinal na mutya. Bago ko man ito ipinost,humingi ako ng pahintulot ng mga gabay mula sa kalikasan. Ang sinomang magnanakaw ng mga larawang ito at ibebenta sa ibat ibang grupo ng karunongang lihim ay ipinaalala ko sa inyo na huwag ninyo silang tangkilikin upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob na mga scammer.
Akin lamang itong ipinopost sa layunin na mabigyang kaalaman ang mga kapatiran na may mga ganitong mga gamit mula sa kalikasan.

Bisitahin : 

FB PAGE : https://www.facebook.com/pg/Mga-Sagradong-Karunongan




1 komento:

  1. Paano nyu po nakuha ung mutya at lahat po ba ng mutya ay may pagsubok na gagawin para ito ay mapasaiyo?
    Salamat po

    TumugonBurahin

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...