Martes, Enero 14, 2020

Mutya Ng Langgam o Ant Stone

Image may contain: food

No photo description available.

Image may contain: text and food

Tinatawag ding Ant Stone Leng na nagmula sa bahay ng mga langgam o Ant Hole. Ang pagkakaroon ng batong ito sa lupa ay ginagamit bilang mga pugad-proteksyon ng pulang mga langgam sa kanilang kaharian. Ang batong ito ay labis na hinihiling ng mga domestic collector at mga mahilig sa masisiglang bato o mutya, sapagkat sinasabing ang batong ito ay may magandang maidudulot sa kapalaran ng taong nagtataglay nito.
Malaki rin ang pakinabang ng mga nasa awtoridad kung taglay nito ang batong ito sapagkat taglayin nila ang kakaibang lakas, bilis at pagpapasuko ng kanilang mga nais pasukoin. Sa bansang Indonesia, iilan sa mga taong negosyante ang nagtataglay nito at sila ang may pinakamatagumpay na pamumuhay sa larangan ng pagnenegosyo.

Ayon Sa Pag-aaral ng Grupong Mystical World:
- Ang isang antingika na bato ay pinangarap ng ilang kilalang psychics sa East Java, sinabi ng saykiko na ang batong ito ay pinanahanan ng mga espiritung pula ang kulay at hindi nagsusuot ng mga damit, mahaba ang buhok, nagsusuot ng tela sa ulo at mga kurbatang mayroong hindi kilalang mga bato. Ayon sa kanilang pag-aaral, nilalang ng mga espiritu ang bato sa loob ng 1500 taon, kung kayat ganun na lamang kalakas ang enerhiya ng bato na ito.
Mga Pakinabang at Kahusayan
- Maaaring magamit bilang isang hindi nakikitang bakod sa sarili o s buong pamilya
- Maaaring magamit pangpaswerte para sa pagbebenta ng maliliit at malakihan na negosyo
- Nagbibigay ng magandang aura ng awtoridad para sa nagsusuot nito
- Pangsara ng bakod sa isang pinagmumultuhan na lugar
- Ang pagbibigay ng lakas sa iyong katawan sa pamamagitan ng pag inom ng tubig na pinagbababaran nito
- Nagpapalakas ng Aura upang ikaw ay igagalang ng kahit sinoman
- Pagkakaroon ng kaalaman ukol sa mundo ng mga imortal
- Pinabibilis ang pagkakaunawa ukol sa mga bagay na mahirap unawain.

Mga Paraan sa Pangangalaga:
1. Ilagay lamang sa isang espesyal na kahon
2. Sa gabi ng Biyernes, ibabad ang bato sa isang basong malinis na tubig
3. Iwanan ang bato sa loob ng 15 minuto sa tubig, pagkatapos nito,
Alisin ang bato at punasan ng bulak o tuyo na tela.

4. Pagkatapos ay punasan ito ng olive oil o langis ng niyog.
Iyon ang nararapat na gawin ukol sa pag aalaga ng Longsari Semut Mustika.
Ang halaga ng batong ito sa bansang Indonesia ay hindi bababa sa IDR 2,000,000 na nagkakahalaga naman dito sa Pilipinas ng PHP 1,424,435.00.
Image may contain: text
Kung ikaw ay magkaroon ng ganitong bato, ipagbibili mo ba o ipamamana sa iyong lahi? Alalahanin po nating bilang lamang sa buong mundo ang mga taong pagkakalooban ng Inang Kalikasan ng mga ganitong mga bagay.
Masasabi kong isa ako sa pinakamaswerteng tao sa mundo na pinagkalooban ng Inang kalikasan ng ganitong klaseng bagay. Kung hindi ito maalagaan ng tama, kusa itong mawawala. Babawiin ito ng mga diwata ng kalikasan na siyang mga tagapamahala ng mundo ng mga imortal.
Paalala : Ang Mutya Ng Langgam na ito ay personal na pagmamay-ari ni Kumander Sator at hindi ipinagbibili.

1 komento:

  1. May nakita po ako nacolor Brown na parang ahas sa isang maliit na sulok na binabahayan ng maraming langgam. Posible po ba ito ay yung mutya ng langgam.

    TumugonBurahin

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...