Lunes, Hulyo 27, 2020

Sator Koronados ( Crowned Sator) Protection & Lucky Charm Medallion


Isa sa pinakamabagsik na pananggalang laban sa lahat na uri ng kasamaan. Kaligtasan sa kapahamakan at kapanganiban, rebueltar o sumbalik, proteksiyon laban sa lahat na masasamang elemento, espiritu, tigalpo, kulam, barang at lason espirituwal. Gamit ng sinaunang mga ninuno lalo na sa samahang Satorians na kinabibilangan ng yumao kong lolo.
Ang Sator ay isa sa lihim na karunongan ng Deus na mas mabilis na napapaandar kesa sa ibang pamamaraan ng karunongang lihim. Sapagkat ito ay subok hindi lang sa bansang Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Kung alam mo ang mga pamamaraan ng paggamit ng karunongang ito, hindi ka magagapi ng kasamaan bagkus lagi kang mananaig sa digmaang espirituwal laban sa mga kampon ni satanas.
Ugaliin lamang ang paggawa ng naaayon sa kalooban ng Amang Maylikha, huwag abusador at mapanglamang sa kapwa. Tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit. Nang sa gayoy mas lalo ninyong mapalakas ang tangan na ito at kalulugdan ka ng ating Ama na siyang nagpapahiram sa atin ng mga karunongan na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...