Product Specifications
·
Category
: Esoteric Books
·
Publishing
Company: MSK-SVDD
·
Language
: Tagalog
·
Import/Local
: Local
·
Edition
Type : Regular Edition
·
Cover
Type : Hard Cover
·
Year :
2015
·
Origin
: North Cotabato, Mindanao
·
Cash On Delivery
·
4” wide x 6” height (Handy Pocketbook Size)
·
Softbound Book
·
Guaranteed Quality
·
Printed In Bold With 12-14 Readable Fonts
·
No Cancellation of Orders Once Shipped
·
No Warranty
Ang nunal ay siyang parang tuldok na kulay itim at tumutubo saan mang parte ng ating katawan. May dalawang klase ang nunal. Ang buhay na nunal at ang patay na nunal. Ang buhay na nunal ay yaong nunal na tumutubo na parang bukol na maliit at kung minsan pa’y tinutuboan ito ng isang pirasong buhok sa tuktok nito. Ang nunal naman na patay kung tawagin ay yaong nunal na hindi tumubo at naging maitim na parte lamang ng ating balat. Mayroon ding iba’t ibang kulay ang mga nunal, mayroong pula na kung tawagin ng iba ay balat. Mayroon ding lutong-luto na kulay berde ngunit bibihira lamang ito. Ang kulay itim ang siyang pangkaraniwang kulay ng nunal. Karaniwan sa atin ay hindi ito pinahahalagahan sapagkat ito’y animoy walang mainam na kasaysayan at kahulogan ang mga bagay na ito. Ngunit kung ating susuriin at alamin ang sinaunang mga pamahiin ng ating mga ninuno, ito ay may mahalagang mensahe sa ating pagkatao. Sinasabi noon na ang mga bagong silang na sanggol ay inaalam agad ng mga magulang nito at mga kamag-anak saang parte ng katawan ang mga nunal nito upang malaman nila ang maaaring kahihinatnan o kapalaran ng bata na ito sa darting na kapanahonan o sa kanyang paglaki. Kung ito ba ay maswerte sa paghahanap-buhay, maswerte sa sa buhay pag-ibig o kamalasan lamang sa hinaharap ang naghihintay. Paunawa lamang po sa lahat na makakabasa ng aklat na ito, hindi ko po layunin na impluwensiyahan ang inyong mga pananampalataya, ang inyong mga kultura at tradisyon. Ito lamang po ay aking inihayag upang mabatid ng lahat na minsan pa’y mayroong paniniwala ang ating mga ninuno ukol sa pagkakarron ng mga ganitong bagay. Hindi ko po pinipilit ang mga ayaw na maniniwala sapagkat malaya po ang bawat isa sa atin na magpahayag anuman ang ating pinaniniwalaan at kinamumulatang mga kultura, tradisyon at mga pamahiin. Ayon sa mga psikiko (Psychics), sa bawat nunal na nakalagay o matatagpoan saanmang parte ng ating katawan ay may ibig sabihin nito na maaaring magbibigay sa atin ng positibong pananaw sa buhay at maaari ding negatibo.
Kunin ang iyong aklat dito : https://shopee.ph/msksvdd
Kunin ang iyong ebook dito: https://payhip.com/talamebs
#karununganglihim #agimat #antinganting #oracion #mahika
#depensa #kaligtasan #proteksiyon #pangontra #panggagamot #kababalaghan #healing
#miracle #lovepotion #pampasuwerte #luckycharm #gayuma
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento