| Orim-En-Sof |
Kabanata 2 Bersikulo 4-11
4 At ang mga anak ni Israel ay nangatakot, sapagkat marami ang kalaban at kakaunti lamang ang kanilang tabak.
5 Ngunit si Moses ay tumindig sa gitna nila, at ang kanyang mukha ay nagliliwanag sa ilalim ng apoy ng kampo.
6 At sinabi niya, “Huwag kayong manginig, sapagkat ang kamay ng Dakilang Isa ay nasa atin.”
7 At iniangat niya ang espada ng apoy na ipinagkaloob sa kanya, at ang langit ay kumidlat, at ang liwanag ay dumaloy sa kanyang mga mata.
8 At siya’y nagsalita ng unang oracion ng kalasag, at ang kanyang tinig ay dumagundong sa hangin: ESHADARIEL RAMON ETHA SHALMAKOR ZETHA-EL!
9 At ang lupa ay umuga, at mula sa buhangin ay lumabas ang bilog na liwanag na parang salamin, na pumalibot sa kanya.
10 At ang mga sundalo ay nagsidapa sa lupa, sapagkat ang ningning ng liwanag ay nakasisilaw.
11 At sinabi ng tinig ng Panginoon, “Ito ang kalasag ng katawang banal; walang patalim ang makalulusot, sapagkat ito’y gawa sa Aking Espiritu.
- Mula sa aklat na ORIM-EN-SOF
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento