Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018

Miraculous Medal : OYA/OIA MEDALLION / MEDALYA NG OYA/OIA

Imahe
Masasabi nating ang medalya na ito ay isa sa pinakamataas na antas na medalyon na tinatangan ng mga taong nag aagimat o nag eespirituwal. Ang medalya ito ay nakapangalan sa Kataasan- taasang Dios sa sangkalangitan. Ang OYA / OIA ay kumatawan sa tatlong persona na pinag-iisa at tinawag na INFINITE GOD o INFINITO DE DEUS.  Narito ang basag ng kanilang banal na mga Pangalan O - OTHEOS Y / I - YSCHIROS/ISCHIROS A - ATHANATOS Sila ay iilan sa mga Lihim na Pangalang maylikha. Kaya ating masasabi na ang medalya na ito ay may pangkahalatang kasa o magaling sa lahat na bagay.  Proteksyon Depensa Kaligtasan Pangontra Mensahero Kahilingan  ...at marami pang iba. Pinapayohan na ang magtatangan ng banal na instrumento na ito ay mamuhay na naaayon sa kalooban ng Dios at sisikaping magpakabanal sa kanyang harapan sa araw araw ng kanilang buhay. Ugaliin ang matibay na ugnayan sa Tagapaglikha at umiwas sa mga tukso, kalayawan at mga pita ng laman. Sa mga

MIRACULOUS MEDAL : TETRAGRAMMATON MEDALLION / MEDALYA NG TETRAGRAMMATON

Imahe
Ang salitang Tetragramatton ay tumutukoy sa Banal na Pangalan ng Dios ang IHVH/YHWH. Ito ang Pangalan ng Dios ni Abraham, Isaac, Jacob at iba pang mga propeta ng Dios. Ito ang nakaukit sa mga bato na patatagpoan sa gitnang silangan na siyang sinasamba ng mga alagad ng Dios noong unang siglo. Ito ang Dios ng mga Israelita. Kaya, mapalad ang mga taong nakakaalam nito at lubos na nananalig, sila ay magiging ligtas sa kapahamakan, kapanganiban, sa masasamang banta sa buhay, sa masasamang loob at masasamang espiritu.  Narito ang ilan sa mga gamit ng medalya na ito: Mabisang pangontra sa 1. Kulam 2. Barang 3. Tigalpo 4. Palipad-hangin 5. Usog 6. Bati 7. Lason 8. Laban sa masasamang espiritu 9. Laban sa masasamang nilalang gaya ng mga lamang lupa, daya ng engkanto, dewende, kapre, tikbalang at iba pang kampon ng kadiliman Babala : Ang medalya na ito ay umiinit kung ang taong mag dala nito ay malapit sa kapahamakan, kapanganiban, masasamang loob at masasamang esp

MIRACULOUS MEDAL : REPUSIGNUM MEDALLION/MEDALYANG REPUSIGNUM

Imahe
Si Kapitan Dominggo Santiago alyas Kapitan Inggo na isang Caviteno ay kilala na isang taong kumakain ng bala. Katunayan nito ay ang kanyang buhay ay ginawan ng pelikula ng isang sikat na aktor na si Ramon Revilla Sr. Ang buhay ni Kapitan Inggo ay nabalot ng misteryo at kababalaghan. Isa siyang taong mabait, matulongin sa kapwa, at isang matapang na tagapagtanggol sa mga naaapi. Maituturing na siya ay isang munting bayani ng mga Cavitebo. Gaya nila Nardong Putik at iba pa. Sinasabi sa kasaysayan ng buhay ni Kapitan Inggo ay nagtataglay umano ito ng mga agimat o anting-anting. Ang kanyang mga taglay ay panyo ng sator at ngipin ng kidlat. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si Kapitan Inggo ay nagtatagaly din ng mahiwagang Medalyon na siyang kanyang ginagamit bilang pananggalang laban sa mga masasamang espiritu, masasamang loob, sa bala at patalim at iba pa. Ngayon natin matutunghayan, kung anong klaseng medalyon ang kanyang hawak at ano ang mga epekto nito sa taong nananalig sa Dios at