Paraan Ng Pag-aalaga Ng Mga Gamit Espirituwal

Bagaman magkaiba-iba ang pamamaraan ng pag-aalaga ng mga gamit espirituwal, na nagdedepende sa kakayahan ng taong nag coconsagra o bumubuhay sa naturang mga gamit, ang pamamaraan na inyong matutunghayan sa ibaba ay para lamang sa mga taong nakakuha ng mga gamit espiritual mula sa pahinang ito. Ito po ay aking inilalahad sa layunin na malaman ito at maunawaan ng mga taong may taglay mula sa samahang ito. 1. Hanggat maaari huwag suotin kung mag bawas sa CR kung nasa bahay lang naman hubarin muna bilang respito sa gamit. Maaari namang dalhin sa CR kung nasa mga public CR gaya ng mall at iba pa. Depende yon sa sitwasyon lalo na kung walang mapagkatiwalaan na mapag iwanan ng gamit. 2. Maaaring namang madala kahit saan kahit sa lamay, sementeryo at iba pang lugar. Ang bagay na nabasbasan sa Pangalan ng Kataas-taasang Deus ay hindi nasusupil bisa at kakayahan saanmang lugar. 3. Panatilihing maging mabuting tao sa mata ng Deus at sa mata ng kapwa tao. Maging tapat at totoo sa i