MGA ARAL NA NAUUKOL SA PANGGAGAMOT

MGA ARAL NA NAUUKOL SA PANGGAGAMOT Ecclesiastico 38:1-7,9-34 [1]Igalang mo ang manggagamot nang marapat sa kanyang katungkulan, sapagkat ang Panginoon din ang nagtakda ng tungkuling iyan. [2]Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos, at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari. [3]Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman, at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan. [4]Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot, kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao. [5]Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon. [6]May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan, upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos. Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao. [7](7-8) Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot, na ginagamit ng manggagamot sa