ANG IPINAHAYAG NG DEUS AMA SA AKIN BILANG INYONG LINGKOD NOONG
MAYO 1, 2012 SA PAMAMAGITAN NG ISANG PANGITAIN O PANAGINIP AY AKING
PINAGSIKAPANG ISULAT UPANG MABATID NG LAHAT NG SANGKATAOHAN SA BUONG MUNDO ANG
DAKILANG PAGPAPAHAYAG AT EBANGHELYO MULA SA DEUS AMA.
SA AKING PANGITAIN AY NAKAUPO AKO SA ISANG BUNDOK NA HINDI KO
NALALAMAN SAANG PARTE NG SANGLIBOTAN IYON. NATATANAW KO ANG BUONG PALIGID AT
ANG KARAGATAN MULA SA BUNDOK NA IYON. NAKAHARAP AKO SA SILANGANAN AT NAKATITIG
AKO SA MAASUL-ASUL NA KALANGITAN. MALAMIG ANG SIMOY NG HANGIN AT HINDI KO
ALINTANA ANG INIT MULA SA SINAG NG ARAW. HABANG AKO AY PATULOY NA NAGMAMASID AT
NAKIKIRAMDAM SA KAPALIGIRAN, DUMATING SA AKIN ANG ISANG TINIG NA TINATAWAG ANG
AKING PANGALAN NA ANIMOY KULOG AT KIDLAT NA NAGMULA SA ALAPAAP. NAGULAT AKO SA
AKING NARINIG AT NANGINIG SA SOBRANG TAKOT.
HUWAG KANG MATAKOT, AKO ANG DEUS NA MAKAPANGYARIHAN SA
LAHAT. ANG DEUS NI ABRAHAM, ANG DEUS NI JACOB AT DEUS NI ISAAC NA SIYANG AKING
MGA TAPAT NA PROPETA.
AKO’Y NAGPATIRAPA SA LUPA UPANG SUMAMBA SA HARAPAN NG TINIG NA
NAKIKIPAG-USAP SA AKIN.
NGAYON, BUKAS AT MAGPAKAILANMAN, IKAW NA AKING LINGKOD
AY TATAWAGING “KUMANDER
SATOR”
BILANG TANDA NG ISANG TAONG AKING PINAGKATIWALAAN NG MGA SALITANG HINDI GINAWA
NG TAO KUNDI SIYANG AKING SALITA SA AKING KAHARIAN SA IKATLONG LANGIT NA SIYA
RING GINAGAMIT NG MGA TAPAT KONG MGA ANGHELES. IKAW AY GAGAWIN KONG ISA SA
AKING MGA MGA HUKBO LABAN SA LAHAT NA PWERSA NG MGA DEMONYO AT SA LAHAT NA
SUWAIL SA AKING KALOOBAN.
ANG PANAHON AY PALAPIT NA NG PALAPIT. NA AKING
KUKUHANIN ANG SAGANA’Y AKIN AT LILIPOLIN ANG MGA HINDI SA AKIN. KINALULUGDAN
KONG LINGKOD, DALHIN MO ANG AKING MGA SALITA SA BUONG SANSINUKOB UPANG KANILANG
MAALAMAN NA ANG PANAHON AY MALAPIT NA. IKWENTAS MO SA IYONG LEEG, ISULAT MO SA
IYONG PUSO AT BIGKASIN MO SA IYONG MGA KAPATID NA AKO ANG DEUS NA
MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT AY SI “AKO NGA”. TANGGAPIN MO ANG AKING MGA SALITA
NGAYON AT IPALAGANAP MO SA BUONG MUNDO.
ANG SINALITA NG DEUS AMA;
“MINAHAL KONG MGA ANAK, AKO ANG DEUS AMA NA LUMALANG
NG LANGIT AT LUPA, AT SA AKING KAPANGYARIHAN AY NILALANG KO ANG LAHAT NA INYONG
NAKIKITA AT HINDI NAKIKITA. AKO ANG BUKAL NG BUHAY AT SA PAMAMAGITAN NG KABANAL-BANALAN
KONG MGA SALITA AY NILALANG KO KAYO NA MGA LALAKE AT MGA BABAE. AKO RIN ANG
NAGPANUKALA AT LUMALANG NG KARAGATAN AT SA LAHAT NA NANINIRAHAN NIYAON.
GAYUNDIN SA KAGUBATAN AY NILIKHA KONG MAY KASAGANAAN NG MGA PANANIM AT
KAHAYOPAN UPANG MAPAPAKINABANGAN NG SANGKATAOHAN LALO NA SA MGA TAONG
NAGTITIWALA SA AKING BANAL AT MAKAPANGYARIHANG PANGALAN. AKO ANG DEUS AMA NA
NAGPADALA NG AKING MGA PROPETA, PINAKAMAMAHAL AT BUGTONG KONG ANAK NA SI
HESUKRISTO UPANG GAWIN ANG AKING KALOOBAN SA BUONG SANGKALUPAAN.
AKING PAGPAPALAIN ANG MGA TAONG NAG-IINGAT NG AKING
BANAL NA PANGALAN AT GUMAGANAP NG AKING KALOOBAN NA IPINAG-UTOS KO SA INYO.
NGUNIT KAPARUSAHANG WALANG HAGGAN ANG AKING IPAPATAW SA MGA TAONG HINDI
KUMIKILALA SA MGA SALITANG AKING IPINAPADALA SA PAMAMAGITAN NG AKING MGA
PROPETA AT KAISA-ISA KONG ANAK AT SILAY NAGSILAKAD SA MGA LAKAD NG KANILANG MGA
SARILING KATHA AT HUMIWALAY SA AKING BANAL NA SALITA AT NAGSIGAWA NG MGA GAWANG
HINDI KO IPINAG-UUTOS.
DAPAT NINYONG MABATID NA ANG BUONG TUNGKOLIN NG TAO AY
PAPURIHAN AKO AT SUMUNOD SA LAHAT NA KAUTOSAN NA AKING INIUUTOS SA INYO.
AKO ANG DEUS AMA NA SIYANG MAY-ARI NG BAWAT KALULUWA.
ANG TAO NA MAMAMATAY AY HUMIHIWALAY ANG KANYANG KALULUWA MULA SA KATAWANG LUPA,
ANG KANYANG KATAWAN AY BABALIK SA LUPA AT ANG KALULUWA NITO’Y AKING HAHATOLAN
AYON SA KANYANG GAWA NOONG SIYA AY NABUBUHAY.
MAPALAD ANG MGA TAONG GUMAGANAP NG TAPAT SA KANILANG
MGA TUNGKOLIN SA AKIN AT SILA’Y BIBIGYAN KO NG GANTIMPALA SA AKING KAHARIAN AT
BUHAY NA WALANG HANGGAN.
ANG MGA TAONG SUMUSUNOD SA AKING KALOOBAN AY ITATALA
KO ANG KANILANG MGA PANGALAN SA AKLAT NG BUHAY AT AKO’Y MAGIGING AMA NILA AT
SILA’Y MAGIGING AKING MGA ANAK AT TAGAPAGMANA NG AKING KAHARIAN.
UKOL SA MGA TAONG SUWAIL SA AKING KALOOBAN AT
KAUTOSAN, SILA’Y KAKATOK SA AKING PINTO NGUNIT HINDI KO SILA BUBUKSAN, SILA’Y
MAGSIHANAP SA AKIN NGUNIT HINDI NILA AKO MASUMPONGAN, SILA’Y MAGSITAWAG SA
AKING PANGALAN NGUNIT ILALAYO KO ANG AKING PANDINIG MULA SA KANILA AT SILA’Y
PARURUSAHAN KO SA APOY NA WALANG HANGGAN.
ANG MGA TAONG MAPAKIAPID, MAPAGSAMBA SA DIOSDIOSAN AT
SA MGA LARAWANG INANYOAN NA GINAWA SA KAMAY NG TAO, MGA MAMAMATAY-TAO, MGA
MAPATUNGAYAW, MGA SINUNGALING, MGA NAGMAMALABIS SA KAPWA, MGA SUWAIL SA
MAGULANG, MGA MAGLALASING AT MGA TAONG NABABALOT SA BISYO AT MAKAMUNDONG
KALAYAWAN, SILA’Y HINDI MAKAKALIGTAS SA KAMAY NG AKING PAGHIHIGANTI.
AKO ANG DEUS AMA NA TUMATAWAG SA INYO UPANG KAYO’Y
MAGSIPAGSISI AT GAWIN ANG AKING KALOOBAN HABANG MAY PANAHON PA.
SAPAGKAT DARATING ANG PANAHON NA ANG KALIGTASAN AY AKING
IPASASARA AT MAGIGING HULI NA ANG LAHAT DOON SA MGA TAO NA GUMAWA NG KASAMAAN.
GAYA NG SA KAPANAHONAN NI NOE NA SIYA KONG MAHAL NA LINGKOD SA KANYANG
KAPANAHONAN, MARAMI ANG AKING TINAWAG NGUNIT WALONG KALULUWA LAMANG ANG
NAGSIPASOK SA ARKA NG BUHAY UPANG MALIGTAS SA AKING POOT SA PAMAMAGITAN NG
TUBIG.
SA DARATING NA MGA HULING ARAW SA AKING PAGPARITO,
KAYONG MGA NAGTITIWALA SA AKIN AT GUMANAP NG AKING KALOOBAN AY HUWAG
MANGATAKOT, SAPAGKAT MAGAGANAP ANG MGA MALALAKING SAKUNA, TRAHEDYA AT
KALAMIDAD, ILILIPAT KO ANG MGA BUNDOK TUNGO SA KAPATAGAN AT BIBIAKIN KO ANG MGA
LUPA.
ANG MGA KAHOY AT BATO AY MAGSITALON UPANG AKO’Y
PURIHIN AT MANGAPAHAMAK ANG MGA TAONG HINDI PINUPURI ANG BANAL KONG PANGALAN.
DARATING AKO NA MAY TINIG NG KULOG AT KIDLAT AT ANG MGA TAONG NAKAKAALAM NG
AKING MGA SALITA LAMANG ANG MAKAKAALAM AT MAKAKAUNAWA. ANG MGA TAONG MANGGAGAWA
NG MASASAMA AY MANGAWALAN NG ULIRAT DAHIL SA KAKILA-KILABOT KONG TINIG NG AKING
PAGKAPOOT SA KANILA.
YAYANIG ANG SANGKALUPAAN SA AKING PAGHIHIGANTI AT SAKA
NILA MAPAGTANTO NA AKO, ANG DEUS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NA KANILANG
SINUWAY AT HINDI PINAKINGGAN AY SI “AKO NGA” ANG SIYANG BANAL AT
MAKAPANGYARIHAN KONG PANGALAN.
MINAMAHAL KONG MGA ANAK, MAGING MASIGASIG AT MATATAG
SA INYONG PINANGHAHAWAKANG PANANAMPALATAYA SA AKIN, ITO LAMANG ANG NATATANGING
PARAAN UPANG KAYO’Y AKING DEPENSAHAN AT PROTEKSYONAN SA LAHAT NA DARATING NA
MGA SAKUNA.
INGATAN NINYO ANG AKING MGA SALITA AT GAMITIN ANG MGA
ITO SA ORAS NA KINAKAILANGAN. HUWAG GAMITIN ANG MGA BANAL NA MGA SALITANG ITO
SA MGA BAGAY NA WALANG KABULOHAN.
NAGISING
AKO SA AKING MAHIMBING NA PAGKAKATULOG AT DOON NATAPOS ANG REBELASYON NG DEUS
AMA NA KANYANG IPINAHAYAG SA AKIN. TAOS PUSO KONG TINANGGAP ANG MGA SALITA AT
MGA TAGUBILIN NG DEUS AMA SA AKIN AT INUMPISAHAN KO ITONG ISULAT UPANG MAGANAP
ANG KAUTOSAN AT KALOOBAN NG DEUS AMA NA INIAATANG NIYA SA AKING BALIKAT.
MAPALAD ANG MGA TAONG MAGTITIWALA SA MGA BANAL NA SALITA NG DEUS AMA AT
GUMAGANAP NG KANYANG KALOOBAN SAPAGKAT SILA AY MAGMAMANA NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
KAPAHAMAKAN SA MGA TAONG HINDI PINAHAHALAGAHAN ANG MGA SALITA AT BABALA SA
REBELASYONG ITO BAGKUS KANILANG HINAHAMAK.
AKO SI “KUMANDER SATOR” NA SIYANG NAGPAPATOTOO SA MGA PANGYAYARING
NAGANAP NA REBELASYON NG DEUS AMA.