Ang Bitag ng Kahirapan: Paano Ginagamit ng mga Politiko ang Ayuda para sa Boto
I Want to Read Sa isang bansang tulad ng Pilipinas kung saan marami pa rin ang naghihirap, tila nagiging sandata ng mga pulitiko ang ayuda upang tiyakin ang kanilang pananatili sa kapangyarihan. Ang mga pangakong tulong pinansyal, libreng bigas, at iba pang anyo ng ayuda ay nagiging parang pain sa bitag na kanilang inilalatag para sa mga botanteng walang ibang mahawakan kundi ang gobyerno. Ayuda: Tulong o Panlilinlang? Walang masama sa pagbibigay ng ayuda, lalo na sa mga tunay na nangangailangan. Ngunit ang problema ay kung paano ito ginagamit bilang pang-akit sa mga botante tuwing eleksyon. Imbis na magsulong ng pangmatagalang solusyon sa kahirapan tulad ng trabaho, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan, mas pinipili ng ilang pulitiko na gawing cycle ang pagbibigay ng limos para mapanatili ang dependency ng mahihirap sa kanila. Politika ng Kahirapan Nakakalungkot isipin na may mga pulitikong sadyang hindi ginagawan ng konkretong solusyon ang kahirapan dahil kung mawawala ito, m...