ANG SIMBAHANG KATOLIKO NGAYON
Kung totoo man ito, nakakalungkot po ang ganitong mga bagay. Ang mga Apostol ni Cristo noong unang panahon ay walang hinihinging bayad ng kanilang pamisa, at pamamahagi, pagmimilagro at paggamot sa mga maysakit, o kung meronman ay siyang taos puso at hindi labag sa kalooban, hindi mabigat sa taong nagbibigay...kawawa naman yong mga walang wala lalo na sa mga taong balot na balot sa kahirapan at walang kakayahang magbayad ng ganyan.
Tandaan, ganito ang sulat ni Apostol Pablo sa atin na nasusulat sa Biblia
II Corinto 2:17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
Isaias 56:11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.
Libre Ang Salita ng Dios
II Corinto 11:7 Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
Mateo 10:8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
Kawikaan 23:23 Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento