Lunes, Oktubre 28, 2019

Ang Vertudes Ng Kahoy Na Naging Bato

KAHOY NA NAGING BATO (Pertified Wood)

ang kahoy na naging bato ay mahusay na sangkap sa bote de guerrero bilang pangkabal o pangkunat sa katawan. biak-biakin ito ng maliliit at ipasok sa bote o garapa kasama ng ibang sangkap ng pangkabal at lagyan ng langis ng niyog na ginawa sa biyernes santo. mas mainam ang langis ng niyog na walang mata o iisa lamang ang mata. 


Ang Vertudes ng Bulalakaw

BULALAKAW (ORIHINAL)

ang bulalakaw ay isang asteroids o meteorites na matatagpoan sa kalawakan ng ating uniberso.

pinaniniwalaang ang taong makakakuha ng bulalakaw o nag-iingat nito ay hindi basta-basta tinatablan ng anomang matatalas na bagay kung itoy gagawing kwentas o habak. ang bulalakaw ay pinaniniwalaang sagradong bato na binabantayan ng mga espiritung tagapagbantay ng ating kalawakan. 

isang patotoo nito ay may nabigyan ako noon na isang hepe ng pulisya na hindi ko na babanggitin pa ang kanyang pangalan. ang bulalakaw na iyon ay ginawa kong kwentas at ipinagkaloob ko sa taong iyon. dumating ang panahon na siya ay sinaksak ng kanyang bayaw (kapatid ng kanyang misis) sa likoran gamit ang matalas at mahabang punyal/kutsilyo dahil sa inggit nito. laking gulat ng mga tao doon sapagkat nakita nila sa kanilang mga mata na inundayan ng saksak sa likoran ang mamang pulis ngunit hindi man lang ito nasugatan. pinagtulongang awatin ng mga tao doon ang taong nanaksak at ang ibay hindi nakapagtimpi ay nasaktan nila ang taong iyon at dahil pulis ang kanyang sinaksak, nakulong yaong tao na iyon. bumalik sa akin ang pulis na iyon at nagpapasalamat. ang sabi ko’y sa deus ka magpapasalamat dahil sa kaloob na instrumentong nakapagligtas ng buhay. dagdag pa niya na nagkaroon ng biglaang drug testing ang kanilang presinkto at laking gulat ng nurse na kumukuha sa kanya ng dugo dahil nakasampung tusok na siya ng karayom sa daliri ng pulis na iyon ay hindi niya ito tinatablan. doon napaisip ang pulis na nakakabit pala sa kanyang leeg ang kanyang kwentas kaya dali-dali siyang pumunta sa c.r. at tinanggal niya ang kanyang kwentas, doon pa lang siya nakuhanan ng dugo. nakita ng kanyang mga taohang pulis ang buong pangyayari kaya sa ngayon ay madalas siyang naging bulong-bulongan sa hanay nila na ang kanilang hepe ay may mabisang pangkabal at pangkunat sa katawan upang hindi tatablan. ang hepe na iyon ay ubod ng kabaitan, tapat sa tungkolin at maawain sa kapwa. ito ang nakikita kung dahilan na mas lalong bumibisa ang bulalakaw sa kanya.


Mutya Ng Langka

“Mutya ng Langka (buto ng langka na naging bato)”

ang bisa nito, kapag ito umano'y inilagay sa bibig ng isang nanganganak ay walang pagsalang madaling lalagsang ang bata at hindi maghihirap ang ina. Ang mga manghihilot na may mutya ng langka ay madaling nakakapagpalabas ng bata sa tuwing may sinaklolohan itong nanganganak. mainam din sa negosyo. ingatan din dahil mapapalapit ka sa tukso, kung ikaw ay lalake ay lapitin ka ng babae gayun din sa babae maging lapitin ng lalake.


Ang Vertudes ng Batong Lagpasan

“Batong Lagpasan (Bato na may sinturon na umiikot gaya ng planetang saturn)”

ang vertudes nito ay kayang lagpasan ang mga suliranin sa buhay, kayang lagpasan ang sinomang masasamang loob at masasamang nilalang na hindi siya namamalayan, kayang lagpasan ang mapanganib na daan, gubat, karagatan at himpapawid, taguliwas, iwas sita sa mga lansangan at tagabulag.


Mutya Ng Mangga

 (Buto ng mangga na naging bato)

Sinasabing isa sa pinakamagaling na amuleto na ginagamit sa pagpapalago ng negosyo. Ayon sa mga nakakatanda, ang mga taong may taglay nito ay likas na may kakayahang manghikayat gamit lamang ang matatamis na mga salita sa larangan ng pakikipag usap lalo na sa usaping pangkalakalan.


Mutya Ng Niyog

MUTYA NG NIYOG (BUWA NG NIYOG NA NAGING BATO)

mainam sa negosyo, kaligtasan sa kapahamakan at kapanganiban, kabal at kunat sa katawan. BALOTIN NG PULANG TELA KUNG GAGAMITIN SA PANGPROTEKSIYON, KALIGTASAN AT DEPENSA. BALOTIN NAMAN NG putting TELA KUNG GAGAMITIN SA MABUBUTING KAHILINGAN AT PANGHALINA SA NEGOSYO AT PANG-AKIT NG MGA KUSTOMER.


Sabado, Oktubre 26, 2019

Talisman Upang Pagkalooban Ng Kayamanan


"TALISMAN UPANG PAGKALOOBAN NG KAYAMANAN"


ANG MANTRANG INUUSAL KAPAG NAKATITIG SA TALISMANG ITO AY ANG SAGRADONG PANGALAN NA “YAH” HABANG ISINASADIWA ANG PAGKAKAMIT NG MAGANDANG BUHAY.
SA PANAHON NA KAILANGAN MO NG TULONG SA BUHAY UKOL SA SULIRANING PANGKABUHAYAN, USALIN SA SARILI ANG PANALANGING ITO:

O DIYOS “YAH” TULUNGAN MO PO AKO.
NAWA ANG MGA ANGHEL NA SINA:

ADONIEL
BARIEL

AY TULUNGAN AKO NA MAGKAMIT NG MAGANDANG SUWERTE AT MAGANDANG KAPALARAN.
MARAMING SALAMAT PO.

PAPURI SA DIYOS!

SA IYONG TAOS-PUSONG PANALANGIN, MAY TULONG NA DARATING UPANG MALUNASAN ANG SULIRANIN SA BUHAY.

MANAMPALATAYA SA DIYOS NG BUO AT ISADIWA ANG MAGANDANG BUKAS.

Order Here

⤋   ⤋   ⤋   ⤋   ⤋

(Libro Dela Suerte : https://shopee.ph/Libro-dela-Suerte-(A-Book-of-Prayer-for-G…)





Huwebes, Oktubre 24, 2019

Sancto Cristo Miracle Oil



Sancto Cristo Miracle Oil

Ang langis na ito ay ginagamit bilang gamot para sa mga kati-kati sa katawan, kagat ng mga hayop makamandag at hindi makamandag, may rabbies o wala, gamot sa kagat-kagat ng mga insekto. Mainam na gamitin sa panghihilot. Maaaring lagyan ng langis ng niyog kung maubosan ng laman. Ang bote na ito kung iyong dalhin sa inyong katawan ay magtataglay kayo ng liwanag na hindi kayang lapitan at pinsalain ng mga masasamang nilalang, masasamang loob, masasamang espiritu at lahat na masasamang elemento. Kung ikaw naman ay kukulamin ay ibinabalik nito ang kulam doon sa taong mangkukulam at gayon din sa barang. Ligtas ka sa anumang lason espirituwal, tigalpo, palipad-hangin, usog at bati. Makakatanggap ka ng babala sa pamamagitan ng pagkulo nito kung ikaw ay papalapit sa kapahamakan at kapanganiban kung kayat ikaw ay makakapaghanda sa iyong sarili.


May dignum santo kristo sa loob ng bote at ibang sangkap. Consagrado at nabasbasan ng lehitimong faith/spirituwal healer.

CLICK HERE TO ORDER

*******************************************************************************

"Salamat po sa langis na ito at di na ako palaging nauusog at nababati pati ang aking mga anak. Hindi po talaga kompleto ang aking araw kapag hindi ko ito dala sa aking mga lakad. Pakiramdam ko po kasi ay safety ako palagi kapag meron ako nito".
Angela Matina
"This miracle oil is so amazing and unique. All my itchiness in my back are all gone. It helps me rest and relax when I use it for body massage. All my body pains are gone. Thank you for this miraculous oil".
Michelle Arbiso
"Noong una bumili ako nito dahil nabighani ako at namangha sapagkat ngayon lang ako nakakita ng bote na may krus sa loob. Nagtataka talaga ako paano nakapasok ang krus sa loob ng bote parang napakaimposible naman talaga. Sinubokan ko nga magpasok nito ngunit hindi ko magawa. Hindi ko inisip ano-ano ang mga mabuting maidulot nito sa akin ang sa akin lamang ay magkaroon ako dahil sa kakaiba ito sa tingin ko. Ngunit nung nag-order ako at napasakamay ko ito, mas lalo akong namangha sapagkat sinubokan ko sa aking pilay sa may bandang kaliwang likoran, pinahapos ko sa misis ko, wala pang 30 minutos ay nakaramdam na ako ng kaginhawaana at napakasarap ng aking pakiramdam."
Gilbert ng Antique

"Gustong-gusto ko talaga siya dalhin sa araw-araw. Madali kasi akong makagat ng mga lamok at iba pang mga insekto. Nilalagyan ko agad ng langis at sa kabutihang-palad minuto lang ay hindi na masakita ang kagat at dahan dahan na nawawala ang pamumula".
Mary Ann Davin

CLICK HERE TO ORDER





Money Amulet : Swerte Sa Paghahanap-buhay, Sa Pag-ibig at Loterya

                                                                 FRONT                                                              BACK


GET YOUR MONEY AMULET HERE


Ang Money Amulet ay ginagawa para sa espesipikong tao, at bahagi ng paggawa ng bawat agimat ang pasasagawa ng sinaunang ritwal sa ngalan ng taong iyon. Mula rito, gagana lang ito katulong ng enerhiya ng taong iyon. Tumutulong itong Agimat na ito para mapabuti ang lagay ng kalusugan, mahanap at mapanatili ang pag-ibig, at makaakit ng swerte at kaligayahan.


Para akong batobalani sa pag-attract ng pera: hindi na P50,000 ang pinakamataas, MAS MATAAS PA!


Ipinanganak ako sa malayong probinsiya, at matapos ang hayskul, tumira ako sa Maynila. Noong una, akala ko ay maraming oportunidad, kaya mas malaki ang pagkakataon na kumita. Magbenta lang ng kung ano-anong bagay at mae-enjoy mo na ang buhay. Pero nagkamali ako,
Para masuportahan ang pamilya ko, kailangan ko ng dalawang trabaho nang sabay. Sa hapon, tumatao ako sa 7-Eleven, at sa gabi, nagtrabaho ako bilang waiter.

Pero sa kabila nito, hindi lumalampas sa P15,000 sa isang buwan ang sahod ko!

Kung nasaan ako ngayon, dahil ito sa isang pangyayari, nang makuha ko ang anting-anting ko ! Kaya hayaan ninyong magkuwento ako mula sa simula.
Dalawang buwan na ang nakalilipas nang malaman naming buntis na naman ang asawa kong si Shaira sa pangatlong pagkakataon. Sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung saan kukuha ng pera. Sobra akong na-stress, hindi ako tinitigasan kahit na tumingin ako sa pinakamagandang mga babae. Hindi ko pinangarap ang ganitong buhay nang magpunta ako sa Maynila!

Isang araw, wala sa sarili na naglalakad ako sa isa sa mga eskinita sa siyudad. Bigla akong natisod at nadapa. Nang tumayo ako, nakita ko ang isang templo.

Para akong hinihila papasok sa templo.

Isang matandang monghe ang nakapikit at nakaupo sa hagdan. Nagbigay ako sa kaniya ng barya at nagpatuloy sa paglalakad nang tawagin ako ng monghe. Tinitigan niya ako at binigyan ng isang bilog na bagay, parang barya. ‘Kunin mo ito. Sa iyo lang ito,’ sabi ng monghe. ‘Huwag mo itong ibibigay kahit kanino. Ito ang magpapaligaya sa iyo.’
Wala pa rin ako sa sarili na umuwi sa bahay at doon ko lang namasdan nang mabuti ang ibinigay ng monghe. Isang maliit na bilog na anting-anting na puno ng mga simbolo.

Nalaman ko mula sa Internet na ito ang Money Amulet. Kapag isinuot mo ito bilang kuwintas, lalapitan ka ng suwerte at pera at gaganda ang lagay ng kalusugan mo. Nakaayon ang anting-anting sa enerhiya ng may-ari nito at gumagana lang para sa may hawak nito, kaya hindi mo ito puwedeng ipasa sa kahit na sino!
Simula noon, lagi ko nang dala ang anting-anting. At nagsimulang magsidatingan ang pera. Makalipas ang isang linggo, nakaipon ako ng P25,000 mula lang sa mga tip sa bar. Sa 7-Eleven, na-promote ako bilang manedyer at tumaas ang sahod ko.

Sa dalawang buwan, nakaipon ako ng mahigit PHP 40,000!

Nag-invest ako ng pera sa maliit na negosyo na nagte-trade at nag-resign na ako sa trabaho. Naging triple ang libreng oras ko, at PHP 50,000 na ang kinikita ko bawat buwan. Dagdag pa, para akong 18 taong gulang kung tigasan. Salamat lahat sa Money Amulet.
Sino ang mag-aakala na magkakatotoo ang pangarap kong yumaman dahil lang sa isang anting-anting?! Ngayon, alam ko na ang sikreto ng masayang buhay. Pero hindi ko pwedeng i-share ang anting-anting ko.

Bilhin mo ang iyong Money Amulet sa WEBSITE NA ITO. Pero hindi sapat na nakasuot lang ito bilang kuwintas. Ilagay mo ito sa iyong palad at buong puso na hilingin dito na tulungan ka. Ngayon, maghanda na sa mga pagbabago! Paparating na.

MAG OORDER AKO NITO



FERNANDO, MAYNILA

Akala ko ay malulubog ako sa utang at hindi na makakabawi. Nagsimula ang lahat sa utang. Lagi akong nakakatanggap noon ng mga tawag mula sa mga kolektor! Naging impyerno ang buhay ko dahil sa mga pagkakautang. Binili ko ang Money Amulet gamit ang kahuli-hulihang pera ko... desperadong-desperado na ako! Hanggang sa nabawasan ang utang ko at inalukan ng disenteng trabaho na may mas mataas na sahod!
ANGELA, CEBU

NAGULAT ako, sa totoo lang! Panay ang dating sa akin ng pera…maraming taon na akong nagbebenta ng mga kasuotan sa social media, pero hindi pa ako nakaipon ng ganito kalaking halaga! Tuloy-tuloy ang bili ng mga kliyente ko at ngayon nga ay bultuhan ang kanilang pagbili. Sa loob ng 3 buwan, malaki ang naitabi ko na sapat na para mabili ko ang pinapangarap kong sasakyan! Lagi kong sinusuot bilang kwintas ang Money Amulet at hindi ko ipinapakita kahit kanino ang kayamanan ko!




AIZEL, BUTUAN

Noon pang Marso 12, 2016 ko sinusuot ang Money Amulet, at gusto kong sabihin na sa panahong ito, bumuti ang aking buhay. Halimbawa, agad na tumigil sa pagsusugal ang asawa ko at nakahanap siya ng trabaho. Nagsimula rin akong makaipon dahil sa mga raket ko, samantalang ilang buwang walang-wala ako noon. Sa wakas ay nakapagbakasyon kaming pamilya sa isang sikat na lugar at nakalimutan ang lahat ng mga pagsubok at problemang laging dumarating sa amin noon. Maaming salamat!

MAG-ORDER AKO


                                                                 BACK                                                              FRONT










Miyerkules, Oktubre 23, 2019

Mundo ng Kababalaghan : Si Samuel at Si Manuel

Alright Reserved

**********************************************************

KABANATA I : SI SAMUEL AT SI MANUEL


ANG NAYON NG SANTA BARBARA AY MALAPARAISO. MAY MALINIS AT MALAKRISTAL NA TUBIG SA BATIS. ABOT TANAW ANG PRESKO AT BERDENG DAHON NG MGA KAKAHOYAN AT DAMOHAN. UMAALINGASAW AT SUMUSUOT SA ILONG ANG NAPAKAHALIMOYAK NA AMOY NG MGA PRESKONG BUKLAKLAK NA NAGMULA SA MGA HALAMANG BULAKLAK SA TABI NG MALIIT NA DAAN, SA MGA HALAMANAN AT SA TABING ILOG. MAPAYAPA ANG MGA IBONG LUMILIPAD SA KAHANGINAN.

NAPAKASARAP PAGMASDAN NG MGA ALAGANG HAYOP GAYA NG BAKA, KALABAW, KAMBING AT KABAYO NA BUSOG NA BUSOG SA KANILANG KINAKAING MGA PRESKONG DAMO.

HABANG AKO AY NAKATINGIN SA MGA BATANG MASAYANG NAGLALARO MULA SA BINTANA NG MALIIT NA KUBO NA PAGMAMAY-ARI NG AKING TIYAHIN;

“MANUEL, MANUEL”, TAWAG SA AKIN NG AKING TIYA BERING,

“HALIKA NA RITO’T NAKAHANDA NA ANG AGAHAN”.

“OPO TIYA” ANG AKING TUGON.

“MABUTI AT MAAGA KA NAGISING, HALOS HATING-GABI KA NA RIN DUMATING KAGABI MULA SA MAYNILA, PERO TEKA, KUMUSTA NA NGA PALA SILA MAMA, PAPA AT MGA KAPATID MO DOON? MATAGAL TAGAL NA RIN KAMING HINDI NAGKIKITA.” TANONG SA AKIN NI TIYA BERING.

NASA MAAYOS NAMAN PO SILANG KALAGAYAN TIYA AT IPINAABOT NGA DIN PO NILA SA INYO ANG KANILANG PANGUNGUSMUSTA.

HAYAAN PO NINYO TIYA BERING AT SASABIHIN KO RIN NAMAN SA KANILA NA KAYO PO AY NASA MAAYOS NA KALAGAYAN DIN NAMAN DITO SA NAYON.

SAAN NGA PO PALA ANG MAGANDA KONG PINSAN NA SI REBECA? TANONG KO SA TIYAHIN KO.

“AY NAKU IHO, MAAGA YON NAGLALABA SA BATIS DAHIL AYAW NIYA NA ABOTIN SIYA NG PAGSIKAT NG ARAW AT MASAKIT UMANO SA BALAT”. SAGOT NIYA SA AKIN.

“O SIYA KUMAIN NA TAYO HABANG MAINIT PA ANG INIHANDA KONG SABAW NG TINULANG MANOK AT MGA PRESKONG GULAY, ITO YONG PABORITO MO NOONG IKA’Y MALIIT PA LAMANG”.

OPO TIYA, MARAMING SALAMAT SA MASARAP NA PAGKAIN NA INIHANDA MO, ITO NGA PO ANG AKING MGA PABORITO.

PAGKATAPOS NAMING KUMAIN AY NAGPASYA AKO NA PUMUNTA SA BATIS AT NG MATULONGAN SI REBECA SA PAGLALABA.



HABANG AKO AY NAGLALAKAD SA ISANG MAKIPOT NA DAAN, MAY ISANG MATANDANG LALAKE NA AKING NAKASALUBONG AT HIRAP NA HIRAP SA PINAPASANG KAHOY NA GAWING PANGGATONG.

“MAGANDANG UMAGA PO TATAY”. ANG AKING SAMBIT.

HINDI SUMAGOT ANG MATANDA AT NAKATINGIN LAMANG SA AKIN.
“MAARI PO BA TULONGAN KO PO KAYO SA PAGBUBUHAT NG KAHOY NA PINAPASAN NINYO?

PAGDAKA’Y KINUHA KO ANG KAHOY MULA SA KANYANG BALIKAT AT PINASAN KO. HINDI SIYA NAGSASALITA. TINANONG KO SIYA ULIT;

“TATAY, SAAN PO BA ANG INYONG BAHAY?” ANG SABI NIYA SA AKIN AY, “SUMUNOD KA NA LAMANG SA AKIN IHO”.


HABANG KAMI AY NAGLALAKAD, NAPAPANSIN KO NA WALA PA AKONG BAHAY O KUBO MAN LANG NA NAKIKITA. BAGKUS NAKIKITA KO ANG MAYAYABONG NA MGA TALAHIB, MGA NAGSILAKIHANG PUNONG-KAHOY AT MGA PANANIM. MAPALAYO YATA AKO SA BATIS KUNG SAAN ANG PINSAN KO NAGLALABA, SAMBIT KO SA SARILI.



TUMAWID KAMI NG ISANG MALIIT NA BUNDOK NA KUNG TAWAGIN AY BUROL. NOONG KAMI AY NASA TUKTOK NG BUROL NA IYON, NAKITA KO SA MAY KALAYOAN ANG ISANG KUBO NA LINGID SA AKING KAALAMAN AY YOON NA PALA ANG KUBO KUNG SAAN NAKATIRA YONG MATANDANG LALAKE.


NASA TAPAT NA KAMI SA ISANG KUBO;

“IBABA MO NA YANG DALA MONG KAHOY IHO, AT IKUHA KITA NG TUBIG NA MAIINOM”, SAMBIT NG MATANDA.

TATAY, IKAW LANG PO BANG MAG-ISA DITO SA KUBO NAKATIRA? TANONG KO SA KANYA HABANG SIYA’Y SUMASALOK NG TUBIG SA BANGA.
“HINDI AKO NAG-IISA IHO MARAMI KAMI”, SAGOT NIYA SA AKIN.

PERO WALA PO AKONG NAKITA NI ISA MAN LANG NA KASAMA MO DITO SA KUBO TATAY, SABI KO SA KANYA.

“ANDYAN LANG SILA SA PALIGID-LIGID MO IHO”, SAMBIT NG MATANDA.

DOON SA SINABI NIYANG IYON AY NAKARAMDAM AKO NG KAUNTING TAKOT AT DAHAN-DAHANG TUMAYO ANG AKING MGA BALAHIBO NGUNIT HINDI KO IPINAHAHALATA SA KANYA.

“AALIS NA PO AKO TATAY AT AKO’Y MAGSUSUNDO PA NG AKING PINSAN NA NAGLALABA SA BATIS”, PAALAM KO SA MATANDA.

“SANDALI LANG IHO”, TUGON NG MATANDA.
UMAKYAT SIYA SA KUBO AT MAY KINUHANG NAKABALOT SA TELANG ITIM. BINUKSAN NIYA ANG TELA AT TUMAMBAD SA AKING HARAPAN ANG HAWAK NIYANG MEDALYON NA KUNG TAWAGIN NIYA UMANO AY MEDALYANG KRUS NG INFINITO DE DIOS.

“ITO TANGGAPIN MO SA KANANG PALAD MO, AT ISUOT MO ITO IHO. MULA NGAYON, IKAW NA ANG MAGMAMAY-ARI NG MEDALYANG ITO. ALAGAAN MO ITO, MAHALIN AT GAMITIN MO LAMANG SA PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA. NAKIKITA KO SA IYONG KATAOHAN ANG AKING SARILI NOONG AKO AY BATA PA LAMANG. MALINIS ANG IYONG BUDHI AT LIKAS ANG PAGKAMATULONGIN SA KAPWA”.

HABANG NAKASABIT NA SA AKING LEEG ANG MEDALYA, NARAMDAMAN KO ANG PAG-INIT NG AKING KATAWAN NA ANIMO’Y MAY KURYENTENG DAHANDAHAN NA SUMUSUOT SA AKING MGA KAUGATAN. NAHIHILO AKO AT BIGLANG NAWALAN NG ULIRAT.

“NASAAN AKO?”, SAMBIT KO NOONG AKO’Y NAGKAMALAY.

ANDITO KA SA AKING KUBO, SAGOT NG ISANG TINIG NG MATANDA.

“NAHIHILO KA IHO KAYA HINAYAAN MUNA KITANG MAGPAHINGA DITO SA KUBO”.

NAPATINGIN AKO SA AKING LEEG AT NANDOON PA RIN ANG MEDALYA. MEDYO NAKABAWI NA AKO NG LAKAS KAYA MULI AKONG NAGPAALAM SA MATANDA.

“HUMAYO KA, ANG PAGMAMAHAL, GRASYA, BIYAYA AT KAPAYAPAAN MULA SA AMANG MAYLIKHA AY SUMASAIYO NAWA MULA NGAYON HANGGANG SA IKA’Y NABUBUHAY”. ANG BASBAS NG MATANDA HABANG NAKAPATONG ANG KANYANG KANANG PALAD SA AKING NOO.

LUMAKAD NA AKO PAPUNTANG BATIS AT SA DAANA’Y AKING NAKITA AT NARINIG;

“SAKLOLO! SAKLOLO! SAKLOLO! BITIWAN NINYO AKO”. SIGAW NI REBECA NA HINAHAWAKAN NG TATLONG LALAKE AT NAIS SIYANG GAHASAIN NG MGA ITO.

“TUMIGIL KAYO! BITIWAN NINYO SIYA” UTOS KO SA KANILA.

NGUNIT TUMAWA LAMANG ANG TATLONG LALAKE HABANG PATULOY NILANG HINIHILA PALAYO ANG PINSAN KONG SI REBECA.

SA PAGNANAIS KO NA SIYA’Y TULONGAN, KUMUHA AKO NG SANGA NG KAHOY UPANG GAMITIN KO ITONG PAMALO SA TATLONG MASAMANG LALAKE.

NGUNIT BAGO PA MAN AKO NAPALAPIT SA KANILA AY SINALUBONG AKO NG ISA SA KANILA NA MAY BITBIT NA ITAK AT AKO’Y UNANDAYAN NG SAKSAK AT PANANADTAD.

AKALA KO AY YON NA ANG AKING KATAPOSAN DAHIL RAMDAM NA RAMDAM AT KITANG-KITA KO ANG BAWAT SAKSAK AT BAWAT HATAW NG ITAK NA DUMADAPO SA AKING KATAWAN.

“MANUEL! MANUEL! MANUEL! LUMAYO KA SA KANILA PAPATAYIN KA NILA, HAYAAN MO NA AKO”, SIGAW NI REBECA.

NAKITA KO ANG AKING KATAWAN NA NABALOT NG APOY, AKO AY NAMANGHA AT NAGULAT, HINDI KO NAKOKONTROL ANG AKING SARILI, SINUGOD KO ANG TATLONG MASASAMANG LALAKE AT DOON NAG-UMPISA ANG AMING LABANAN.

BINITAWAN NAMAN NILA SI REBECA AT SA AKIN NAKATUOON ANG KANILANG PANSIN.

RAMDAM NA RAMDAM KO ANG KANILANG MGA ITAK NA TUMATAMA SA AKING HARAPAN AT LIKORANG BAHAGI NG KATAWAN NGUNIT HINDI AKO NASUSUGATAN AT HINDI AKO TINATABLAN.

NAPASIGAW AKO NG MALALAKAS NA TINIG NA HINDI KO MALAMAN BAKIT ANG MGA SALITA NA IYON AY LUMABAS SA AKING BIBIG.

UNA KONG SIGAW AY “IGSAC” SABAY PINALO KO ANG ISANG MASAMANG LALAKE SA ULO AT NAWALAN ITO NG MALAY.

ANG IKALAWA KONG SIGAW AY “IGMAC” AT PINALO KO ANG ISANG MASAMANG LALAKE NA TINAMAAN SA KANYANG LIKOD AT NALUGMOK ITO SA LUPA.

SA GULAT NG ISA PANG LALAKE NA BUMAGSAK NA ANG KANIYANG DALAWANG KASAMA, TUMAKBO SIYA PAPALAYO SA AKIN UPANG SANA’Y TUMAKAS NGUNIT LUMABAS SA AKING BIBIG ANG MGA KATAGANG “EGOSUM EGLORUM HUM PHU”, AT BIGLANG SUMURAY SURAY SA PAGKAKATAKBO ANG LALAKE AT SUMUBSOB ITO SA LUPA NA NAWALAN NG ULIRAT.

PAGKATAPOS NANG PANGYAYARING IYON AY NAKITA KONG DAHAN-DAHAN NA NAWAWALA ANG APOY NA NAKAPALIGID SA AKING KATAWAN AT HALOS HINDI KO MAALALA LAHAT ANG MGA PANGYAYARI.

“MANUEL”, SAMBIT NG AKING PINSAN NA SI REBECA. “UMUWI NA TAYO, NATATAKOT AKO”, DAGDAG PA ANIYA.

NAKITA LAHAT NI REBECA ANG MGA PANGYAYARI AT HALOS KANYANG NAIKWENTO SA AKIN LAHAT YON.

“MANUEL, NAKITA KO SA DALAWANG MATA KO ANG KAKAIBA MONG LAKAS, BAGSIK, TAPANG AT TALINO SA PAKIKIPAGLABAN, MISTULANG KIDLAT ANG IYONG KILOS AT GALAW, ANG TINGIN KO’Y HINDI KA PANGKARANIWANG TAO HABANG IKAW AY NAKIKIPAGBUNO. TELA BAGA’Y HINDI IKAW ANG PINSAN KONG MANUEL NA NAKILALA KONG MEDYO MAY KAHINHINAN ANG KILOS AT GALAW. NARIRINING KO ANG MGA SALITA NA IYONG SINISIGAW HABANG SINUSUGOD MO SILA, ANO BA ANG MGA SALITA NA YON? TANONG NI REBECA SA AKIN NA NAGUGULOHAN DIN.

“HINDI KO ALAM REBECA, BIGLA NA LAMANG LUMABAS SA AKING BIBIG ANG MGA KATAGANG IYON. PARANG MAY ISANG MAKAPANGYARIHANG NILALANG NA NAKATIRA SA AKING KATAWAN AT KINOKONTROL AKO”, TUGON KO SA PINSAN KO.

NATULALA AKO HABANG INIISIP KO ANG MGA PANGYAYARI. MAYA-MAYA PA’Y NAPANSIN KO ANG MEDALYA NA NAKASABIT SA AKING DIBDIB,

“ITO KAYA? ITO KAYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT KO NAGAWA ANG MGA BAGAY NA YAON?” TANONG KO SA SARILI KO.

HINDI AKO MAPALAGAY SA PANGYAYARING IYON. KINABUKASAN NG UMAGA AY NAGTUNGO AKONG MULI SA KUBO NG LALAKENG MATANDA. AT LAKING GULAT KO SAPAGKAT NI ANINO NG KUBO AY HINDI KO NA MATAGPOAN.

MAY NAKITA AKONG ISANG ALE NA MAY HINIHILANG ALAGANG KALABAW;

“ALE! ALE!” SAMBIT KO,

“NAKITA MO BA YONG KUBO NG MATANDANG LALAKE NA NAKATAYO DITO SA BAHAGING ITO? ANDITO PA KASI YON KAHAPON NGUNIT BAKIT NGAYO’Y HINDI KO NA MAKITA?” NAG-AALALANG TANONG KO SA ALE.

“ABA’Y IHO, MATAGAL NA PANAHON NG WALANG NAKATAYONG KUBO DITO. NOON, AY MAY MGA KWENTO SA NAYON NG SANTA BARBARA NA MAY ISANG MATANDANG LALAKE NA NAKATIRA DITO SA BUNDOK NA NAG-IISA LAMANG AT WALANG PAMILYA.

KUNG HINDI AKO NAGKAKAMALI AY “SAMUEL” ANG KANYANG PANGALAN.
ANG LALAKENG IYON AYON SA MGA USAP-USAPAN NG MGA TAGA NAYON AY MAY KAKAIBANG TAGLAY AT KAKAYAHAN. HINDI UMANO IYON NATATABLAN NG BALA NG ARMAS DE FUEGO, HINDI RIN TINATABLAN NG ITAK AT KAHIT ANONG MGA PATALIM, BIGLA NA LAMANG IYON NAWAWALA AT LUMULUSOT UMANO SA MGA PADER AT PUNO NG KAHOY. MAY MGA NAGSASABI DING MAY KAKAIBANG LAKAS, BAGSIK AT TAPANG ANG MATANDANG IYON.” KWENTO NG ALE SA AKIN.

AKO’Y NAPABUNTONG-HININGA SAPAGKAT NAALALA KONG MULI ANG AKING NARANASAN NOONG AKO AY NAKIKIPAGLABAN.

“SAYANG, DI KO NA PALA MAKIKITA ANG MATANDA, MARAMI SANA AKONG NAIS IPARATING NA KATANONGAN SA KANYA.” SAMBIT KO SA SARILI.

“O SIYA IHO MAUNA NA AKO HA AT PAPAINOMIN KO PA SA BATIS ITONG AKING ALAGANG KALABAW”, SABI NG ALE NA NAG-UMPISA NG LUMAKAD.

BUMALIK AKO SA BAHAY NG AKING TIYAHIN. NARINIG KO MULA SA MALAYO ANG USAPAN NI REBECA AT NI TIYA BERING UKOL SA MASAMANG KARANASAN NI REBECA SA KAMAY NG MGA MASASAMANG TAO NA MABUTI NA LAMANG AT AKING NADATNAN.

“SIMULA NOONG NAWALA SI SAMUEL SA BAYAN NA ITO, DAHAN-DAHAN NG PINASOK NG MASASAMANG LOOB ANG MAPAYAPANG BAYAN NA ITO.” ANG SABI NI TIYA BERING NA NARIRINIG KO HABANG PAPALAPIT AKO SA PINTO NG KUBO.

“TIYA, SINO PO BA YAN SI SAMUEL?”. BUNGAD KO NA TANONG SA TIYAHIN KO HABANG NAKATAYO AKO SA MAY PINTO.

MEDYO NAGULAT ANG TIYA BERING AT SI REBECA SA BIGLA KONG PAGTATANONG. HINDI NAKASAGOT AGAD SI TIYA BERING AT BINALIKAN PA AKO NG TANONG;

“MANUEL, SAAN KA NANGGALING? KANINA PA KITA PINAPAHANAP SA PINSAN MONG SI REBECA AT HINDI KA NIYA NAKITA.

PATAWAD PO TIYA BERING, REBECA, HINDI PALA AKO NAKAPAGPAALAM. PUMUNTA AKO DOON SA BAHAY NG MATANDANG LALAKE NA TINULONGAN KONG MAGBUHAT NG KANYANG KAHOY KAHAPON PAPUNTA SA KANYANG KUBO, NGUNIT BIGO AKONG MAABOTAN SIYA DOON.

“NAKILALA MO BA IYONG MATANDANG LALAKENG IYON IHO?” TANONG NI TIYA BERING.

“HINDI NGA PO TIYA BERING, PERO MAY NAKAUSAP PO AKONG ISANG ALE DOON AT NAIKWENTO NGA PO NIYA ANG ISANG LALAKENG NAGNGANGALANG SAMUEL”, SAGOT KO SA KANYA.

TUMAAS ANG KILAY NI TIYA BERING NA PALATANDAANG NAGULAT SIYA SA AKING IPINAGTAPAT.

NALAMAN NI TIYA BERING ANG MGA PANGYAYARI SA TABI NG BATIS UKOL SA PAGKAKALIGTAS KO KAY REBECA AT LUBOS ANG KANYANG PASASALAMAT SA AKIN.

HABANG KUMAKAIN KAMI NG AGAHAN, NAPANSIN NI TIYA BERING ANG NAKASABIT NA MEDALYA SA AKING LEEG.

“MANUEL, KANINO BA GALING YANG MEDALYON NA NASA IYONG LEEG?” TANONG NIYA SA AKIN.

BINIGAY PO ITO NG ISANG MATANDANG LALAKE SA AKIN TIYA BERING, KAHAPON LAMANG, YONG NAIKWENTO KO SA INYO NA BINALIKAN KO NGUNIT HINDI KO NA NAABOTAN. ANG IPINAGTAKA KO LANG PO SA MATANDANG LALAKE NA  IYON AY HINDI KO MAHANAP NI ANG ANINO NG KANYANG KUBO KUNG SAAN KO SIYA INIHATID KAHAPON NG UMAGA AY BIGLANG NAGLAHO NA PARANG BOLA,” KWENTO KO SA KANYA.

“ALAM MO MANUEL, USAP-USAPAN DITO SA NAYON NG SANTA BARBARA NA IYONG SI SAMUEL AY MAY MAKAPANGYARIHANG MEDALYON AT ITO UMANO ANG NAGSISILBING KANYANG AGIMAT SA PAGGAWA NIYA NG MGA HIMALA AT MGA BAGAY NA KATAKA-TAKA AT KAMANGHA-MANGHA, HINDI KAYA, SI SAMUEL ANG IYONG NAKITA, TINULONGAN AT INIHATID SA KANYANG TAHANAN?”.

“HINDI KO PO ALAM TITA, KUNG SI SAMUEL MAN IYON, BAKIT AKO ANG NAPILI NIYANG BIGYAN NITONG MAHIMALA AT MAKAPANGYARIHAN NIYANG AGIMAT? ISA LANG NAMAN AKONG ORDINARYONG TAO AT WALANG MAIPAGMALAKI?”.

“ALAM MO IHO, MAITUTURING NA ISANG BIYAYA AT SWERTE UMANO ANG MGA TAONG NAGTATAGLAY NG AGIMAT NGUNIT BASE SA MGA NINUNO NATIN, ISA DIN UMANO ITONG MALAKING RESPONSIBILIDAD NA DAPAT GAMPANAN.

ANG PAGTULONG SA MGA NANGANGAILANGAN NG TULONG LALO NA SA MAY MGA KARAMDAMAN O MGA TAONG MAYSAKIT.

SI SAMUEL AYON SA KWENTO NG AKING MGA MAGULANG, SIYA AY MAGALING DIN UMANO SA LARANGAN NG PANGGAGAMOT GAMIT LAMANG ANG KANYANG MEDALYA AT MGA LIHIM NA DASAL NA KUNG TAWAGIN NILA AY ORACION.”

HABANG KAMI’Y NAGKEKWENTOHAN AY BIGLANG;

“TULONG! TULONG! TULONGAN NINYO KAMI, SI PEDRING NA AKING ASAWA AY INATAKE SA PUSO AT WALA NG MALAY,” PAIYAK NA SIGAW NI ALING ROSA NA KALAPITBAHAY NG AKING TIYAHIN.

“MARENG BERING TULONGAN NINYO KAMING MAKAHANAP NG MASAKYAN UPANG MADALA SA PAGAMOTAN ANG AKING ASAWA NA SI PEDRING,” DAGDAG NI ALING ROSA.

NATARANTA NA RIN SI TITA BERING AT AGAD DIN NA HUMINGI NG SAKLOLO SA IBA PANG MGA KALAPITBAHAY SA DI KALAYOAN.

NAPANSIN KO NA HALOS MAPASO ANG AKING DIBDIB SA SOBRANG INIT NG MEDALYA NA NASA AKING DIBDIB NA NAPAILALIMAN NG AKING DAMIT.

TELA BAGA AY MAY NAIS IPAHIWATIG ITONG AKING MEDALYON KUNG KAYA’T SIYA’Y NAG-IINIT.

DINALA AKO NG AKING MGA PAA SA BAHAY NILA ALING ROSA NA HINDI KO SINASADYA.

NAKITA KO ANG MALUBHANG KALAGAYAN NI MANG PEDRING NA NAKAHIGA SA KAWAYAN NA SOPA AT NAPALIBOTAN NG KANYANG LIMANG ANAK NA UMIIYAK.

NARINIG KO ANG ISANG TINIG NA BUMUBULONG SA AKING DALAWANG TAINGA;

“MANUEL, IPATONG MO ANG KANANG PALAD MO SA KANYANG DIBDIB HABANG ANG KALIWANG PALAD MO AY NAKAHAWAK SA IYONG MEDALYON”.

SINUNOD KO NA LAMANG ANG NAIS NG TINIG NA AKING NARINIG;

IPINATONG KO ANG AKING KANANG PALAD SA DIBDIB NI MANG PEDRING HABANG HAWAK KO SA KALIWANG PALAD ANG AKING MEDALYA.

DOON DIN AY LUMABAS SA AKING BUNGANGA ANG MGA SALITANG ITO NA HINDI KO SINASADYA;

“ARAM ACDAM ACSADAM AYUDADME”

AT HINAPLOS KO NG DAHAN-DAHAN ANG DIBDIB NI MANG PEDRING.

MAYA-MAYA PA’Y IDINILAT NI MANG PEDRING ANG KANYANG MGA MATA AT GUMINHAWA NA ANG KANYANG PAKIRAMDAM.

“SINO KA?” TANONG NI MANG PEDRING SA AKIN.

“AKO PO SI MANUEL, NAPARITO PO AKO DAHIL HUMINGI NG TULONG SI ALING ROSA SA KUBO NAMIN DAHIL INATAKE KA UMANO SA SAKIT SA PUSO.” SAGOT KO SA KANYA.

“SI MANUEL PO ANG GUMAMOT SA IYO ITAY.” MALUHA-LUHANG PALIWANAG NG KANYANG BUNSONG ANAK NA BABAE.

“MANUEL MARAMING SALAMAT PO, KUNG HINDI PO DAHIL SA INYO AY BAKA HINDI KO NA TULOYAN MAKITA ITONG AKING MGA ANAK.” SABI NI MANG PEDRING HABANG KAYAKAP ANG MGA ANAK NITO.

“PEDRING, ASAWA KO,” SIGAW NG TUMATAKBO AT UMIIYAK NA SI ALING ROSA HABANG PAAKYAT SA KUBO.

“HUWAG NA PO KAYO MAG-ALALA ALING ROSA, LIGTAS NA PO ANG ASAWA NINYO,” SABI KO SA KANYA.

NAPAYAKAP NAMAN SI ALING ROSA SA AKIN;

“IKAW BA YOONG SI MANUEL? YONG PASLIT NA BATA NOON NA INIWAN KAY MARENG BERING?” TANONG NIYA SA AKIN.

“OPO AKO NGA PO IYON ALING ROSA, MEDYO MATAGAL-TAGAL DIN KASI NA PANAHON BAGO AKO NAKABALIK DITO.” SAGOT KO SA KANYA.

“NAKU IHO, MARAMING SALAMAT SA PAGGAMOT MO SA AKING PINAKAMAMAHAL NA ASAWANG SI PEDRING, MABUHAY KA MANUEL”.

“WALA IYON ALING ROSA, ANG IMPORTANTE AY MAAYOS NA ANG KALAGAYAN NI MANG PEDRING”.

HABANG AKO AY PABABA NA SA KUBO NILA ALING ROSA, NAKITA KO ANG MARAMING MGA TAGA NAYON SA SANTA BARBARA NA NAKAABANG SA AKING PAGBABA SA HAGDANAN NG KUBO;

“MABUHAY TAYONG MGA TAGA NAYON, MABUHAY! MABUHAY! MABUHAY. NAGBALIK NA SI SAMUEL! NAGBALIK NA SI SAMUEL! NAGBALIK NA SI SAMUEL!” SIGAW NG MGA TAO SA LABAS NG KUBO.

NAKITA KO RIN SI REBECA AT SI TIYA BERING NA MASAYANG-MASAYA NA SUMASALUBONG SA AKIN.

HALOS HINDI AKO MAKAPANIWALA SA MGA PANGYAYARI. NAPAKABILIS AT NAPAKAIKSI NG PANAHON NGUNIT TELA BAGA’Y KILALANG KILALA AKO NG LAHAT NG TAO SA NAYON NG SANTA BARBARA.

UMPISA NANG MGA ARAW NA IYON, AY NAG-UMPISA DIN ANG AKING MISYON BILANG ISANG MANGGAGAMOT SA NAYON AT SA MGA KARATIG NAYON NG SANTA BARBARA.

AKO SI MANUEL, TAGAPAGTANGGOL NG MGA MALILIIT AT NAAAPI.

KAIBIGANG TUNAY NG MGA MABUBUTI AT MASAMANG KAAWAY NG MGA MAPANG-API.

AKO AT SI SAMUEL AY IISA. SIYA AY AKO, AT AKO AY SIYA.


* susundan sa susunod na kabanata *


Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...