Lunes, Oktubre 28, 2019

Ang Vertudes ng Bulalakaw

BULALAKAW (ORIHINAL)

ang bulalakaw ay isang asteroids o meteorites na matatagpoan sa kalawakan ng ating uniberso.

pinaniniwalaang ang taong makakakuha ng bulalakaw o nag-iingat nito ay hindi basta-basta tinatablan ng anomang matatalas na bagay kung itoy gagawing kwentas o habak. ang bulalakaw ay pinaniniwalaang sagradong bato na binabantayan ng mga espiritung tagapagbantay ng ating kalawakan. 

isang patotoo nito ay may nabigyan ako noon na isang hepe ng pulisya na hindi ko na babanggitin pa ang kanyang pangalan. ang bulalakaw na iyon ay ginawa kong kwentas at ipinagkaloob ko sa taong iyon. dumating ang panahon na siya ay sinaksak ng kanyang bayaw (kapatid ng kanyang misis) sa likoran gamit ang matalas at mahabang punyal/kutsilyo dahil sa inggit nito. laking gulat ng mga tao doon sapagkat nakita nila sa kanilang mga mata na inundayan ng saksak sa likoran ang mamang pulis ngunit hindi man lang ito nasugatan. pinagtulongang awatin ng mga tao doon ang taong nanaksak at ang ibay hindi nakapagtimpi ay nasaktan nila ang taong iyon at dahil pulis ang kanyang sinaksak, nakulong yaong tao na iyon. bumalik sa akin ang pulis na iyon at nagpapasalamat. ang sabi ko’y sa deus ka magpapasalamat dahil sa kaloob na instrumentong nakapagligtas ng buhay. dagdag pa niya na nagkaroon ng biglaang drug testing ang kanilang presinkto at laking gulat ng nurse na kumukuha sa kanya ng dugo dahil nakasampung tusok na siya ng karayom sa daliri ng pulis na iyon ay hindi niya ito tinatablan. doon napaisip ang pulis na nakakabit pala sa kanyang leeg ang kanyang kwentas kaya dali-dali siyang pumunta sa c.r. at tinanggal niya ang kanyang kwentas, doon pa lang siya nakuhanan ng dugo. nakita ng kanyang mga taohang pulis ang buong pangyayari kaya sa ngayon ay madalas siyang naging bulong-bulongan sa hanay nila na ang kanilang hepe ay may mabisang pangkabal at pangkunat sa katawan upang hindi tatablan. ang hepe na iyon ay ubod ng kabaitan, tapat sa tungkolin at maawain sa kapwa. ito ang nakikita kung dahilan na mas lalong bumibisa ang bulalakaw sa kanya.


2 komento:

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...