Sa ating bansa, dito sa Pilipinas, ang mga taong nag-aaral ukol sa panggagamot at paggawa ng mga himala gamit nag mga herbal na may kasamang mga spell ng karunongang lihim ay tinatawag na mga Albularyo. Na kung saan, sa kanila dinadala ang mga taong may pisikal at espirituwal na karamdaman upang gumaling. Marami ang nais matuto sa gawaing ito ngunit kakaunti lamang ang napagbigyan ng maykapal sapagkat kinakailangan muna ng tao na maglinis ng kanyang sarili at mamuhay sa mundo ng kabanalan. Sa kabila nito, may mga taong gumagamit ng mga halaman din upang makapaminsala ng kapwa gamit din nila ang itim na mahika at sila young tinatawag na mangkukulam at mambabarang.
Ang mga halamang-gamot ay kilalang may mga mga katangiang nauukol sa pagpapagaling ng anumang uri ng sakit o karamdamang pisikal at espirituwal. Ang mga nag-aaral ng mahika ay maaaring gumamit sa alinmang aspeto kapag gumaganap ng isang spell.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento