| Ang Banal na Sandata ni San Benito |
Ang ina’y lumuha. “Padre, ito na lamang ang anak ko. Wala nang pag-asa.” Tahimik si Benito. Kinuha niya ang kanyang puting panyo, isinawsaw ito sa Banal na Tubig, at itinapat sa dibdib ng bata.
Sa pag-usal ng oracion, ang mga monghe ay napaluhod:
"SUAMBIT PECABIT JESUS MARIA YSOSALIME"
Isinunod ni Benito ang dasal na ibinubulong lamang sa matinding pangangailangan:
"JUAG Y DAVUM, JUAG Y DIGNUM, JUAG Y DIAM, JUAG Y DIGNATAM, JUAG Y REGNIM, JUAG Y RIPSIUS, JUAG Y TUUS, ILIGTAS ANG SANGGOL NA ITO SA LAHAT NG KASAMAAN!"
Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Sa harap ng lahat, ang dibdib ng bata ay gumalaw. Napaiyak ito, at muling nabuhay sa mga bisig ng ina.
- Mula sa aklat na Ang Banal na Sandata ni San Benito