Sabado, Marso 7, 2026

Ang Tagapagdala ng Ulan ng Apoy

 

SEPTEM ARCANGELI

Kabanata 14:3-7

3 At sa tuktok ng Bundok ng Langit, bumaba si San Miguel na may tangan na isang gintong kopa na puno ng apoy, at sumisigaw: “O kayong mga humatol ng mali, kayong mga lumapastangan sa Aklat ng Buhay, ngayon ay darating sa inyo ang Ulan ng Apoy!”
4 At isinumpa niya ang lupa sa pamamagitan ng oracion: “Esh Rafa-Rafa El Elyon Saganium Flamma Dei!”
5 At biglang bumuka ang mga ulap, at bumaba ang apoy na tila mga pulang palaso na dumudurog sa mga muog ng kasamaan.
6 Ngunit bago tuluyang tumama ang galit ng Langit, lumitaw ang Pitong Tagapagdala ng Ulan ng Apoy—sila ang mga nilikhang mula sa apoy ng Diyos, tagapagdala ng Paghuhukom.
7 Ang una ay si Azuriel, ang Tagapagsunog ng mga Altar ng Idolo, at sa kanyang palad ay nakaukit ang oracion: “Ignis Purificare Domus Iniquitatis.”
- Mula sa aklat na SEPTEM ARCANGELI




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

The Enchanted Book of King Adamantium

  The Enchanted Book of King Adamantium By William Ubagan Hardcover The Enchanted Book of King Adamantium is an esoteric book that unveils p...

Popular Post