Lunes, Enero 13, 2020

Miraculous Medallions Used by Filipino Ancestors


 
 
 

 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 



 



















This amulets are absolutely vital for all-round general protection. Both sides of the medallions contain secret mantras and objects that bring cosmic protection.
It offers the wearer protection against all forms of dangers, including dangers from bad spirits, accidents, natural disasters, and bad intentions of people. Wear it if you are travelling often, or frequent places which are prone to natural disasters - such as volcanic regions, earthquake areas, coastal regions and flood zones. It is also essential for those who are involved with esoteric work such as geomancy and astrology.
This medallion protects you from developing illness. It is inscribed with secret mantras. Wear it touching your skin, close to your chest area to stay protected at all times.
It has been designed to invite luck that will grant you your most desired wish, be it love, happiness, money or children.
-it also serves us against bullets, bows, arrows and any deadly weapons.
Authentic design. Wear this amulets to be protected from being harm by evil spirits, bad elements, calamities and tragedies. Protection also from black magic, black spells and against witchcrafts.
It also brings lucky charms to those people who wear this. Enjoy yourself with love, money and good carriers and opportunities.
Perfect gifts for birthdays, anniversaries, weddings and other similar occasions.
Be practical, be protected, be charmed and be loved.
**********/*************//**********
Husay at Galing
1. Proteksiyon laban sa lahat na uri ng kapangyarihan ng masasamang nilalang, masasamang elemento, masasamang espiritu at mga demonyo.
2. Depensa sa bala at lahat na uri ng patalim
3. Magaling sa kahilingan
4. Swerte sa trabaho at negosyo
5. Kabal at kunat pisikal at espiritual
6. Tagabulag
7. Tagaliwas kapahamakan at kapanganiban
8. Depensa sa lahat na uri ng sakuna, aksidente, trahedya at kalamidad
9. Proteksyon sa lahat na uri ng sumpa ng tao at mga elemento
10. Upang hindi madalas kapitan ng sakit material
11. Pampalubag-loob, pampawi ng galit
12. Nagpapatibay ng relasyon mo sa Deus Alpha et Omega Infinito de Deus
At marami pang iba.
Note: Items will be shipped with instructions how to use.
Hurry and get one!
Just PM me, or Text me here 09107374233 or email me here kumandersator@gmail.com
Or you can order here @ this link

Panalangin Na Nauukol Sa Mga Trahedya at Kalamidad

Image result for LINDOL Image result for TSUNAMI
Image result for FLOOD Image result for volcano eruption


Oh Amang Banal, Kataas-taasang Deus na Maylikha ng langit at lupa, purihin ka at dakilain ang Makapangyarihan mong Pangalan.
Kami po ay patawarin sa aming mga pagkakasala. Batid naming ang aming pagkakasala ay umabot na sa Iyong Walang hanggang Kaharian. Kahabagan mo po kami Oh ABBA.

Ipag-adya mo po kami sa mga kalamidad at trahedya na aming dinadanas sa mga panahong ito. Ipadala mo po sa amin ang mga anghel mong dakila upang kami'y maligtas sa Iyong poot.
Lubos po ang aming pananalig at pananampalataya sa Iyo aming Ama. Nakikita at natatarok mo ang bawat nilalaman ng aming puso't isipan.
Matuwid ang Iyong mga hatol ayon sa aming mga gawa. Hindi ka nagkakamali sa Iyong mga panukala at mga salita.
Dakilain ang Iyong Banal na pangalan sa buong sangkalupaan at sangkalangitan. Marapat kang papurihan at awitan ng mga awit ng papuri.
Wala kaming magagawa sa aming sarili kung hindi ang kalooban mo ang maghahari. Iligtas po ninyo kami mula sa mabangis mong paghihiganti buhat ng aming mga kasalanan.
Ito po ay aming hinihingi sa Pangalan ng Iyong Bugtong na Anak na amin namang Tagapagligtas Panginoong Yahushua Hamaziah.
SATOR AREPO TENET OPERA ROTAS NIGNEME HESUS, AMEN.

Taal Volcano Erruption 2020


Mga Gawa Kapitulo 2 : 19-21

19 Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok.

20 Magdidilim ang araw, at ang buwan ay pupula katulad ng dugo. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghahatol ng Panginoon.


21 Ngunit ang sinumang tatawag sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating.”

Walang Makakatiyak Ano Ang Mangyayari Sa Kinabukasan

Image result for wrath of god

Ang lahat ng ito'y pinag-aralan kong mabuti at nalaman kong lahat ng kilos ng matuwid at ng matalino ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, maging pag-ibig o pagkapoot. Walang makakatiyak kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas.
Iisa ang kasasapitan ng lahat: ang nangyayari sa matuwid ay nangyayari rin sa di-matuwid, ganoon din sa mabuti at sa masama, sa malinis at sa marumi ayon sa Kautusan, sa naghahandog at sa hindi naghahandog. Ang nangyayari nga sa mabuti ay siya ring nangyayari sa masama. Walang pagkakaiba ang nangyayari sa marunong tumupad sa pangako at sa sumisira sa pangako.
Ito nga ang isang masamang bagay na nangyayari sa buong mundo: iisa ang kinasasapitan ng lahat. Habang ang tao'y nabubuhay, panay kasamaan ang kanyang iniisip, at ang hantungan ay kamatayan.
Ngunit habang nabubuhay ang tao ay di siya dapat mawalan ng pag-asa. Ang asong buháy ay mas mainam kaysa patay na leon.
Alam ng buháy na siya'y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan.
Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkainggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo.
Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.
Nawa'y lumigaya ka sa bawat oras. Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito.
Anuman ang ginagawa mo'y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya sapagkat sa daigdig ng mga patay na kasasadlakan mo ay wala kang gagawin, ni pag-iisipan man, ni pagbubuhusan ng kaalaman o karunungan.
Ito pa ang isang bagay na napansin ko sa mundong ito: ang mabilis ay di siyang laging nananalo sa takbuhan ni ang malakas ay laging nagwawagi sa digmaan. Ang matatalino'y di laging nakakasumpong ng kanyang mga kailangan at di lahat ng marunong ay yumayaman. Napapansin ko rin na di lahat ng may kakayahan ay nagtatagumpay; lahat ay dinaratnan ng malas.
Hindi alam ng tao kung kailan ang kanyang takdang oras. Siya'y tulad ng isdang nasusukluban ng lambat, at ibong nahuhuli sa bitag. Ang tao'y parang nahuhulog sa patibong sa biglang pagdating ng masamang pagkakataon.
Narito pa ang isang halimbawa kung papaanong ang karunungan ay inuunawa sa mundong ito:
Mayroong isang maliit na bayan na kakaunti ang mamamayan. Kinubkob ito ng isang hari. Nagpahanda siya ng lahat ng kailangan sa pagsalakay.
Nagkataon na sa bayang yaon ay may isang mahirap ngunit matalinong tao na nakapag-isip ng paraan upang mailigtas ang nasabing bayan. Subalit pagkatapos, wala nang nakaalala sa kanya.
Ang sinasabi ko, makapangyarihan ang karunungan kaysa lakas. Ngunit ang karunungan ng taong mahirap ay hindi pinahahalagahan at ang mga salita nito ay hindi pinapansin.
Ang mahinang salita ng matalino ay mas may pakinabang kaysa sigaw ng hari sa gitna ng mga mangmang.
Ang karunungan ay makapangyarihan kaysa sandata ngunit ang isang pagkakamali ay nagbubunga ng malaking pinsala.

Proteksiyon Laban Sa Masasamang Tao Gamit Ang Medalya Ni San Benito


Proteksiyon Laban Sa Masasamang Tao Gamit Ang Medalya Ni San Benito

KUNG IKAW AY AATAKIHIN NG MASASAMANG TAO UPANG SAKTAN, HAWAKAN NG MAHIGPIT ANG MEDALYA AT USALIN NG PAULIT ULIT ANG ORACION NA ITO AT IDIIN ANG IYONG KANANG PAA SA LUPA AT ANG TAONG MASAMA AY MAWAWALA SA KANYANG KAISIPAN, MALILITO, AT HINDI NIYA MAITUTULOY ANG KANYANG MASAMANG BALAK LABAN SAYO.
"CRUZ SANCTI PATRIS BENEDICTI, CRUZ SACRA SIT MIHI LUX, NON-DRACO SIT MIHI DUX VADE RETRO SATANA NUNQUAM SUADES MIHI VANA SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS."
(UPANG MAKAKUHA NG MEDALYA AT AKLAT, ,PINDOTIN LAMANG ANG MGA LINK SA IBABA)

Sundin Ang Mabubuting Kautosan Ng Mga Hari Na Itinalaga Ng Dios

Image result for king solomon

Sino ang ipapantay sa taong matalino na nakakasaliksik sa lahat ng bagay? Ang karunungan ay nagpapasaya sa mukha ng tao; pati ang matigas na anyo ng mukha ay nawawala.
Sundin mo ang utos ng hari, at huwag padalus-dalos sa pagbibitaw ng pangako sa Diyos.
Lumayo ka sa harap ng hari at huwag mong ipagpipilitan ang anumang labag sa kalooban niya sapagkat maaari niyang gawin ang lahat ng magustuhan niya.
Ang utos ng hari ay di mababali at walang makakatutol sa anumang gawin niya.
Ang masunurin ay di mapapahamak at alam ng matalino kung ano ang dapat gawin, kung kailan, at kung paano dapat isagawa.
May kanya-kanyang panahon at paraan para sa lahat ng bagay ngunit di natin ito lubusang nalalaman.
Walang makakapagsabi kung ano ang maaaring mangyari at kung paano ito magaganap.
Kung paanong di mapipigil ng tao ang hangin, gayon din hindi niya mapipigil ang pagdating ng kamatayan. Sa panahon ng digmaan, walang mapagtataguan; hindi tayo makakatakas.
Lahat ng ito'y nakita ko habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa buong mundo, ang iba'y may kapangyarihan, at ang iba naman ay api-apihan.
May nakita akong masasamang taong inilibing ngunit pag-uwi ng mga nakipaglibing ang masamang yaon ay pinupuri sa lugar na ginawan niya ng kasamaan. Ito man ay walang kabuluhan.
Ang hatol sa kasamaan ay di agad iginagawad kaya naman ang tao'y nawiwili sa paggawa ng masama.
Kung sabagay, daan-daan man ang kasamaang gawin ng masama ay wala ring mawawala sa taong nabubuhay nang matuwid pagkat siya'y may takot sa Diyos.
Ngunit ang kasamaan ng masama ay di makakabuti sa kanya; mamumuhay silang parang anino at maaga silang mamamatay sapagkat hindi sila natatakot sa Diyos.
Narito pa ang isang bagay sa ibabaw ng lupa na walang kabuluhan: ang kaparusahang para sana sa masama ay sa mabuti nangyayari at ang dapat namang mangyari sa mabuti ay sa masama nangyayari. Sa palagay ko, ito man ay walang kabuluhan.
Kaya para sa akin, ang tao'y dapat magpakasaya sa buhay. Walang pinakamabuti kundi kumain, uminom at magsaya. Ito ay magagawa niya habang siya'y nabubuhay at nagpapakapagod sa mundong ito.
Habang iniisip ko ang mga pangyayari sa daigdig, lalo akong naniniwalang kahit mag-isip nang mag-isip ang tao araw-gabi, hindi niya mauunawaan ang mga gawa ng Diyos. Kahit ano pa ang kanyang pagpaguran sa mundong ito, hindi niya ito mauunawaan. Maaaring ipalagay ng matalino na alam niya ang bagay na ito ngunit ang totoo'y wala siyang nalalaman.

Mga Payo Ng Sagradong Karunongan Patungkol Sa Buhay Ng Tao

Image result for LIFE

Ang Patungkol Sa Buhay

Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.
Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay.
Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan, pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban.
Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan, ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan.
Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo.
Ang halakhak ng mangmang ay tulad ng siklab ng apoy, walang kabuluhan.
Ang matalinong nandadaya ay para na ring mangmang. Ang suhol ay sumisira sa dangal ng tao.
Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula. Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan.
Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
Huwag mong itatanong kung bakit mabuti noong araw kaysa ngayon, pagkat iya'y tanong na walang katuturan.
Ang taong nagtataglay ng karunungan ay higit na mainam kaysa minamanang kayamanan.
Ang tulong na magagawa ng karunungan sa tao ay tulad ng magagawa ng salapi. Ang tao'y maililigtas ng kanyang karunungan, at ito ang kabutihan ng kaalaman.
Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya?
Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
Sa loob ng maikling panahon ng aking pamumuhay, nakita ko ang lahat ng bagay. Nakita kong ang tao'y namamatay kahit siya mabuti, at may masamang nabubuhay nang matagal.
Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili?
Ngunit huwag ka rin namang magpapakasama ni magpapakamangmang at baka mamatay ka nang wala sa panahon.
Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kalagayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.
Higit ang magagawa ng karunungan ng isang tao, kaysa magagawa ng sampung hari sa isang lunsod.
Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka kalaunan ay mismong alila mo ang humamak sa iyo; sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.
Sa lahat ng bagay ay sinubok ko ang karunungan sa pag-aakalang ako'y matalino ngunit napatunayan kong hindi pala.
Hindi natin matatarok ang kahulugan ng buhay. Napakahiwaga nito para natin maunawaan.
Gayunpama'y nagpatuloy ako sa pagdidili-dili. Nagsuri akong mabuti at mataman kong siniyasat ang dahilan ng lahat ng bagay. Nalaman kong kamangmangan ang magpakasama at walang kabuluhan ang magpakamangmang.
Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.
Sinabi ng Mangangaral, “Pinag-ugnay-ugnay ko ang lahat ng bagay at ito ang aking natuklasan.
Pagkatapos ng mataman ngunit bigong pagsisiyasat, natuklasan kong sa 1,000 lalaki, isa lamang ang matalino, at sa 1,000 babae, walang matalino kahit isa.
Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”

Lunes, Enero 6, 2020

Pilipinas : Ang Bansang Ophir Kung Saan Kinuha Ni Haring Solomon Ng Israel Ang Mga Ginto at Mamahaling Bato Na Kanyang Ipinatayo na Templo Ng Diyos YHWH


Kung ikaw ay FILIPINO dapat mong basahin eto, Christian ka man o hindi, dapat mong malaman na ANG BANSANG PILIPINAS ay ipinakilala sa BANAL NA KASULATAN.
Bago ang malalim na pag aaral patungkol sa topic na eto, ipag papapauna ko na po ang mag sumusunod:
[1] Hindi ko po ito opinyon, eto ay RESEARCH
[2] Kasaysayan at Banal na Kasulatan ang sasagot
[3] Kung alam mo ang Philippine History at nagbabasa ka ng Bible mas mauunawaan mo eto.
[4] Ang mga link ay nasa footnotes or hulihan ng post na ito
► PANIMULA:
Itanong mo sa sarili mo: ANO ANG PANGALAN NG PILIPINAS bago pa ito nasakop ng mga Spanish colonizers? May idea ka ba? Alam mo bang ang OPHIR ang pangalan ng bansa natin, at alam ito ng mga kastila BAGO pa nila ito ipangalan sa kanilang hari sa espanya na si King Philip (Present day Philippines)?
Tama ang narining mo! Ayon sa dokumento ng mga Espanyol sa "Collecion General de Documentos Relativos a las Islas Filipinas" Mayroon silang mapa na kinaroroonan ng Ophir, at ayon sa kanila ang Ophir day ay "COMPOSE OF MANY ISLANDS"
At ayon sa kanilang dokumento, kilala ang bansa natin na GINTO, PILAK AT MAMAHALING HIYAS.

Filipino friend, hindi si Magellan ang nakadiscover sa bansa natin. May mga tao na dito na nananahan. Ang layunin talaga nila ay icolonize tayo dahil sa NATATAGO NATING YAMAN. May mga tao na dito noon at sila ang nakaka-alam ng mga yaman ng bansa natin.
►TANONG: Eh bakit hindi tinuro sa amin iyan noong Elementary at Highschool? Bakit hindi tinuro na OPHIR pala ang Pangalan ng Bansa natin?
► SAGOT: Logically, kapag ang isang bansang Spain ay NANANAKOP, sinusunog nila ang mga Historical Books ng bansang sinakop nila.
May mga record ang mga tao sa bansa natin noon patungkol sa yaman pero dahil gustong MABURA ng mga kastilang ito ang kasaysayan at PALITAN ng kanilang Relihiyon, Edukasyon at Tradisyon, SINUNOG nila ang mga record ng ating mga mamamayan. Nang sa gayon hindi na mapakinabangan ng susunod na salinlahi. Ngunit ang ibang kopya ng aklat ng mga kababayan natin ay naipreserve nila sa kanilang bansa. Bakit? Dahil sila din ang makikinabang nito pagdating ng araw. Ang susunod na tanong saan ba galing ang pangalang OPHIR?

► SAAN GALING ANG SALITANG OPHIR?
Ang Ophir ay hindi talaga isang salita kundi isang PANGALAN NG TAO. Ang pangalang "Ophir" ay unang binanggit sa Genesis 10 na naglalaman ng mga DESCENDANTS or mga apo ni Noah (taong pinli ng Diyos na magtayo ng arka dahil sa gugunawin ng ang mundo ng malaking baha) SI OPHIR ay ika-6th generation ni Noah. At kung babasahin natin ang kasaysayan ni Noah, ang kanyang mga anak ang nagpasimula "muli" ng sangkatauhan sa buong mundo. Dahil kung matatandaan natin GINUNAW ng Diyos ang mundo at pinuksa ang lahat ng may hininga sa pamamagitan ng BAHA. At sa mga salinlahi ni Noah nagmula ang mga bansa.

Genesis 10:1-30
[verse 1] Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si SEM, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
[verse 2] Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.

[verse 5] SA MGA ITO NANGABAHAGI ANG MGA PULO NG MGA BANSA, SA KANILANG LUPAIN, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, SA KANIKANILANG BANSA.
[verse 25] At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay JOCTAN. [verse 29] At si OPHIR, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan. [verse 30] At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang BUNDOK SA SILANGAN
To summarize: Si NOE ay may tatlong anak, isa dito si SEM (Shem), at anak ni Sem si Arphaxad. Apo ni Arphaxad si JOKTAN. At anak ni Joktan si OPHIR. AT ANG MGA ANAK NI JOKTAN AY TUMUNGO SA SILANGAN (east)
Ang mga taong nabanggit sa itaas ang siyang naging roots ng pagsilang ng isang bansa. Dahil sa kanila nagkaroon ng mga bansa, wika at angkan. Katunayan na sa BAWAT POOKSA MUNDO NOON AY MAY TAO NA. At karagdagan dito ay ang bansang OPHIR na naka-locate sa SILANGAN.

Hindi ba't ang tawag sa Pilipinas ay PERLAS NG SILANGAN? Bakit? Dahil noon pa man, dahil sa mga LIKAS nitong yaman (precious stones, wild animals, native trees etc) namumukod tangi eto sa mga karatig-bansa niya.
► ANONG KAUGNAYAN NG BANSANG ISRAEL SA OPHIR (Present day: Philippines)?
Noong panahon ni Haring David, sinabi niya na nagkaroon siya ng kasunduan sa Diyos na magpapatayo siya ng isang tempo. Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na ang ANAK niyang si SOLOMON ang magtatayo ng templo. Heto ang pangako ng Diyos sa kanya:
2 Samuel 2:7 Kaniyang IPAGTATAYO NG BAHAY ANG AKING PANGALAN, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Sa madaling salita, si Haring DAVID ang nagplano, SOLOMON ang magsasakatuparan ng pagpapatayo ng templo. At dahil sa sobrang devotion at pagmamahal ni Solomon sa Diyos, gusto niya na magagandang uri ng materials ang kanyang gamitin sa templo. DAHIL ANG DIYOS AY BANAL mga mamahaling hiyas at high quality na kahoy ang gagamitin niya upang maging attractive, stunning, eye catching and one of a kind na gusaling maitatayo sa kasaysayan ng buong Israel. Kaya etong si Haring Solomon ay nagpadala ng kanyang mga tauhan upang dumayo sa lugar na tinatawag na OPHIR.

1 Kings 10:22 For the king had at sea a navy of Tharshish with the navy of Hiram: ONCE IN THREE YEARS came the navy of Tharshish, bringing GOLD, and silver, ivory, and apes, and peacocks.
1 Kings 9:26, 28
[verse 26] And king Solomon MADE A NAVY OF SHIPS in Eziongeber, which is beside Eloth, on the shore of the Red sea, in the land of Edom. [verse 28] AND THEY CAME TO OPHIR, and fetched from thence GOLD, four hundred and twenty talents, and brought it to king Solomon.

Si Solomon, na pinakamatalinong tao na nabuhay sa lupa, Hari ng Israel ay nagpagawa ng sasakyang pandagat at nagtungo sa OPHIR, para kumuha ng GOLD, SILVER, IVORY, APES, AT PEACOCKS. At it takes 3 years daw ang travel balikan kasama na paghakot ng mga materyales. At idagdag na natin dito ang ALGUM TREE, isa sa pinakamatibay na kahoy sa east.
Ngayon ginamit ni Solomon ang Gold and Algum woods upang itayo ang templo. TANONG: Anong kaugnayan nito?
SAGOT: Alam mo bang sa buong South East Asia, ang Bansa natin ang NANGUNGUNA pagdating sa GOLD MINES? Alam mo din ba na ang NARRA ( Algum in Hebrew tongue[1 Kings 10:11] ) ang pinakamatibay na kahoy? Sa madaling salita, alam ni Solomon ang lugar sa daigdig kung saan matatagpuan ng pinaka kaledad na materials!
In other words, the land of Ophir is the land of precious stones, plenty of golds and silver, and filled with high class woods. At alam natin na ang NARRA ang national symbol ng Pilipinas dahil sa likas nitong tibay. Dahil eto daw ay fire proof at termite (anay) proof. At alam natin na sa mga province ng Mindanao and selected provinces in Visayas ang kinaroroonan ng mga gold mines. So, ANG MGA MATERIALS PALA SA OPHIR ang ginamit sa PAGPAPATAYO NG TEMPLO NG DIYOS.
► ANO ANG KATIBAYAN NA ANG OPHIR (land of golds) AY ANG BANSANG PILIPINAS?
Ang turing ng mga early colonizers sa ating bansa noong araw ay "Isles, many islands" Kung titignan natin ang mapa, may mga bansa naman na mararaming pulo. Pero naiiba ang OPHIR, dahil ang pulo nito may katangiang higit na naiibakaysa karatig nitong bansa.
At dagdag pa natin dito ang mga EBIDENSYA SA BIBLIA ng mga natural resources na sa Pilipinas halos lahat masusumpungan.
Ang GOLD, SILVER, IVORY (pangil ng Elepante), ALGUM (Narra Tree), APES (Tarsier sa Bohol), AT PEACOCKS (Pabo sa tagalog) ay halos dito mas marami kumpara sa ibang bansa. [1 Kings 10:11, 1 Kings 9:26, 28]
Track of the Hebrew to the Philippines;
Taggalog Hebrew Meaning
Pulag{mtPulag} Peleg devided {Pulag is a variant word of Peleg in hebrew.

In hebrew the letters with in the word can be change and modify the difination to match the use of the word. the letter 'e' change into u 'modifies the meaning 'devided' because when Peleg was born those days that the Earth was devided...so Pulag means "it was devided'.
KABAYAN-{in the foot of mt pulag} in hebrew word means Yah's/God's hiden
SAGADA- in hebrew means 'to know praise'
ARAYAT{mt arayat} in hebrew means 'Earth Covered'
MAYON {mt mayon} in hebrew means 'Spring of Water"
TAAL {mt taal} in hebrew means 'Summon for a specific Purpose"
CABALIAN {Mt cabalian in leyte} in hebrew means 'Greatly Hiden'
BANAHAW {mt banahaw} in hebrew means 'Built by creator God"
MATUTUM {Mt matutum} in hebrew means 'Shaking jewel of complete truth'
IRAYA {mt iraya in basco batanes} in hebrew means 'Wakefulness of Creator God'
pinalitan man at binura ng mga Kastila ang ating kasyasayan pati na ang paraan ng pagsamba sa manlilikha pero ang mga pangalan ng ating kabundukan ay nanatili hangang sa kasalukuyan na nag silbing ebedensya ng ating pagkakakilanlan at ng ating pinagmulan
Here some names and Places with Hebrew origin;{hindi ko na sinama lahat dahil sobrang dami..}
Abra- mother of multitude
Ifugao--Son of the Honored one..{might be Peleg the honored one}
Saba{ saging saba} Abundant, or filled to satisfaction'
Narra{ national tree} 'she who must be admired,or Young girl'
Laog- to mock,deride,stammer in speech
Cubao--hiding place
Bukid--depopulate
Naga{ naga city} touch,reach,strike
Bicol--'i pray ordinarily'
Pasig--pursuing of gold
Palawan--'extra ordinary,or Yah's/God's grace
Samar--'to Bristle up'
Bohol-'Go,or Come,or yoke'
Mindoro--'Gift from God'
Surigao--defiled princess'
Mindanao--'Be eminent'
Sulo{ sulo sea} 'High way'
Celebes {celebes sea} Dog'
Cagayan--Feast of Yah/God., Oros in greek "Mountain' it could be Mountains of Yah/God
According to Antonio Pigafetta who traveled with Magellan and also Historian {see The Journal of Antonio Pigafetta} when they arrive in the islands ' the inhabitans {Filipino} Responded: "that they had no other worship but raising thier clasped hand and face in the sky and called thier God "ABBA'
ABBA; an Aramiac word means 'Father' but not just Father that you may have heard.,but the more endearing "My Father" which was spoken by Jesus in the garden of gethsemane. look Mark: 14;36 KJV.
The filipino serving the One True God before the Spanish came to colonize us..and they completely iradicate all along the History and install thier Pagan gods which is untill now Filipino worship..
The Promise:
I am God, and there is none like me.. Calling a ravenous bird FROM THE EAST, the man that executeth my counsel FROM A FAR COUNTRY: yea, I have spoken it, I will also bring it to pass; I have purposed it, I will also do it.
[Meron daw isang bansa na matatagpuan sa silangan na magsasagawa ng kalooban ng Diyos]

Isaiah 24:15
Wherefore glorify ye the LORD in the fires, even the name of the LORD God of Israel in the ISLES OF THE SEA.

[Inuutos ng Diyos na purihin Siya ng bayan Niya sa mga pulong napapalibutan ng tubig]
►PAGTATAPOS: FILIPINO PEOPLE DAPAT NINYONG MALAMAN NA:
[1] Kinahabagan ng Diyos ang bansa natin. Kaya kahahabagan ka Niya, Roma 9:18
[2] Hindi ka isang mababang uri ng klase ng tao sa mundo. Isa kang natatanging hiyas o perlas dahil ang pinagmulan mong ancestors. Ikaw ay naiiba sa lahat ng lahi.
[3] Mayaman ka. Hindi ka mahirap. Hindi ka dapat minamaliit na lahi. Ikaw ang isa sa hall of fame na lahi dahil may habag sa iyo ang Diyos.
[4] Tumawag ka sa Diyos, Siya ang tanging solusyon sa bansa natin. Ang Diyos ng Israel ay DIYOS DIN NG PILIPINAS. Ang utos na ibinigay sa Israel ay kailangan ding sundin ng Pilipinas. Kapag ang bansa natin ay nasa kasawian at kaguluhan, ang utos na eto na inutos sa Israel ay dapat nating gawin: 2 Cronica 7:14
"Kung ANG AKING BAYAN na tinatawag sa pamamagitan ng AKING PANGALAN ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at TALIKURAN ANG KANILANG MASASAMANG LAKAD; akin ngang didinggin sa langit, at IPAPATAWAD ko ang kanilang kasalanan, at PAGAGALINGIN ko ang kanilang lupain."
[5] "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika (pati bansa) ay malansa pa sa isda", wika ni Jose Rizal
Mahalin mo ang sarili mong bansa. wag mong laitin, maliitin, o hamakin. Mahalin mo eto gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo.Marcos 12:31
[RESOURCES AND LINKS]

Message from the author: It is my pleasure to share this breakthrough message for Filipino People. Do not misinterpret this post as a man-made blog. This is a combination of Bible and History. Kung ikaw ay TEACHER, it's time for you to share the right HISTORY to your student. If you are a Christian, be proud that you have your Bible. And if you are a PROUD FILIPINO, Awitin mo etong kantang eto habang ang kanang kamay mo ay nasa dibdib:
"Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan
Alab ng Puso, Sa dibdib mo'y buhay
Lupang hinirang duyan ka nang magiting
Sa manlulupig di ka pasisiil
Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit sa pag layang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw na kailan pa may di mag didilim
Lupa ng araw ng luwalhatit pagsinta.
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya ng pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo

➡️ Follow me para updated lagi sa mga pangyayari. ðŸ‘Š


The Enchanted Book of King Adamantium

  The Enchanted Book of King Adamantium By William Ubagan Hardcover The Enchanted Book of King Adamantium is an esoteric book that unveils p...

Popular Post