Alamin kung totoo nga ba na mayroong mga lahing Aswang.
Ang aswang ay kalimitang pinaniniwalaang kumakain ng lamang loob ng tao katulad ng puso o atay. Ang iba ay buntis ang ginagawang biktima. Ang sanggol na nasa sinapupunan ng ina ay malakas sa pang amoy ng mga aswang. Sa gabing madilim, sila ay nag aanyong hayop, katulad ng aso, pusa, o ibon upang hindi mamalayan ng mga tao na sila ay nasa paligid lang. Ang sariwang dugo ng tao ang isa sa kanilang pagkain. Karaniwang pangontra sa aswang ay ang bawang o asin. Sinasabitan ng bawang ang bawat sulok ng bahay, bintana at pintuan. Ang asin ay isinasaboy sa may pintuan at iba pang parte ng bahay. Walis tingting ay dapat nakalagay sa may pintuan ng pabaliktad. O kaya ang iba naman ay sa silong ng bahay. Ang makalumang bahay noong unang panahon ay kadalasan may silong.
Mga palatandaan Kung Siya Ba Ay aswang
Sa araw ay isa silang normal na tao. Kung papansinin, kapag sila ay naglalakad at makakasalubong , ang kanilang ulo ay nakatungo at hindi makatingin ng diretso sa tao. Mailap ang mga mata. Bihirang makipag palitan ng usapan. Hindi mahilig makihalubilo sa karamihan. Palaging nasa kanilang tahanan sa araw.
Ang isang aswang ay hindi namamatay ang katawang tao hanggat hindi nya naipapasa o naipapamana ang kapangyarihan sa kanyang anak. Naipapasa lamang ito sa anak na buong puso ang pagtanggap sa kapangyarihan.
May aswang na lumilipad at may tinatawag ding aswang na ‘’baklay’’ o ito ay naglalakad lang. Pangkaraniwang tao sa araw, nag iibang anyo pagsapit ng dilim.
NOTE : UPANG MAIWASAN ANG ASWANG O KAYO AY KANILANG KATATAKOTAN, BISITAHIN ANG ATING FB PAGE : https://www.facebook.com/msksvdd/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento