KUNG ANG INYONG MGA LOLOT LOLA, PAPA AT MAMA AY MGA MANGKUKULAM, HUWAG NA HUWAG NINYO ITONG TANGGAPIN KUNG BALAK NILA NA SA INYO ITO ISASALIN BAGO SILA PUMANAW, NANG HINDI KAYO MAGHIRAP AT SAPIAN NG MARAMING DEMONYO.
Kilala ang kulam sa Pilipinas na isinasagawa ng mga taong may kaalaman ng itim na kapangyarihan. Ito ay kadalasang nanyayari sa mga probinsya. Ang kulam ay naging bahagi na ng pamumuhay ng mga tao dito, sa kanilang karakter at pakikitungo sa kapwa tao ng isang komunidad. Kulam ay panggagaway na may ibat-ibang epekto sa biktima katulad ng pagkakasakit, aksidente at pagkasawi, pagkawala sa katinuan, kawalan ng sigla at iba pang uri ng mga pangyayari na di maipaliwanag ng syensya. Mangkukulam ang tawag sa taong nagsasagawa nito.
Sa Pilipinas ay maraming paniniwala at kaugalian, alamat, kasabihan at mga kwentong bayan. Ang mga ito ay namana ng mga pilipino sa mga kauna-unahang ninuno. May malaking impluwensya ang mga Kastila sa pamumuhay ng mga Pilipino, dahil sila ang pinakamatagal na sumakop sa bansa, na mahigit sa tatlong daang taon. Isa ang relihiyon sa kanilang ipinakilala sa bansa. Namamampalataya ang mga tao sa relihiyong Katoliko, pero marami pa rin ang naniniwala sa mga kwentong mitolohiya, mahika, kasabihan o itim na kapangyarihan.
Ang mga Pilipino ay naniniwalang ito ay nangyayari hanggang sa kasalukuyan, at isinasagawa ng mga taong may kaalaman dito. Ang mga tao ay naniniwala na may iba pang nakatira sa mundo na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.
Karamihan ay nainiwala sa mga di pang karaniwang nilalang katulad ng Aswang, Manananggal, Kapre, Dwende, Sirena, Syokoy, Engkanto, Sigbin, Tikbalang at marami pang iba, lalo na sa mga liblib na lugar ng bansa. Ang mga ito ay ilan lang sa mga halimbawa na minsan ay nakakatulong sa mga tao sa ibang paraan.
Ating alamin kung ano, paano nila isianagawa at ginagamit ang kanilang kapangyarihan. Ito ba ay makakatulong sa ating pamumuhay? Dito nangalap kami ng impormasyon tungkol sa mga di pang karaniwang nilalang, kung paano nila ito isinasagawa at paano natin maiiwasan.
ALAMIN SA AMING FB PAGE PAANO MAIWASAN ANG MAKULAM O PAANO KONTRAHIN ANG KULAM?
JUST CLICK THE LINK BELOW:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento