Linggo, Hunyo 9, 2024

Ang Delikadong Landas ng Esoterikong Panggagamot

 


Sa usaping esoterikong karunungan, ang panggagamot sa mga spiritual na sakit ay napakadelikado. Iba't-ibang elemento, maligno, masamang espiritu, engkanto, at mga demonyo ang maaaring makakalaban ng mga manggagamot. Ang kakayahan ng pangggagamot ay ibinigay ng Diyos o ipinagkaloob sa iilan na nagnanais at pinagkakatiwalaan ng Diyos Ama, kaya napakaswerte ng mga taong nakakapagpagaling ng sakit espirituwal o materyal.

Marami ang mga maysakit na walang kakayahang magpagamot sa mga ospital dahil sa mahal ng gastos at marahil dala na rin ng kahirapan. Ang mga manggagamot espirituwal ang nagiging mga bayani sa paningin ng mga nangangailangan. Sila ang pinagkatiwalaan ng Diyos ng mga karunungan upang makatulong sa mga nangangailangan.

Ang malungkot lang, marami sa mga manggagamot ngayon na sa umpisa ay hindi naman nagpapabayad. Ngunit kalaunan ay kinain na rin ng pera, naniningil na ng mahal sa kanilang mga pasyente at imbes na nakakatulong ay naging pabigat pa. Hindi nila naisip na kaya sa kanila lumapit ang mga pasyente dahil wala na silang pera na pangpaospital, ngunit kanila pa itong siningil ng mahal. Nawawalan ng bisa ang kanilang mga oracion sa kalaunan sapagkat inaabuso na nila ang kaloob na kakayahan mula sa Diyos.

Kaya't mga kapatid, hinihikayat ko kayo, kung kayo ay matututo ng esoterikong panggagamot, sana ay huwag ninyo silang gayahin. Manatili kayong mapagkumbaba, huwag maningil sa mga pasyente, at maging mapagmahal sa kapwa. Maging matulungin na walang hinihintay na kapalit. Dahil sa mga aklat na nakukuha ninyo at inyong pinag-aralan, natututo kayo at pinagkalooban kayo ng Diyos ng karunungan. Ngunit ito'y hindi dapat abusuhin. Babawiin ng Diyos ang kapangyarihan sa inyo kung hindi na ito nararapat at ibibigay ito sa iba.

Sa pagtatapos, nawa'y manatiling dalisay at totoo ang layunin ng bawat manggagamot espirituwal. Hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi para sa kabutihan ng lahat ng nilalang na nangangailangan ng kanilang tulong. Ang esoterikong karunungan ay isang biyaya, ngunit isang responsibilidad rin na dapat ingatan at gamitin sa tamang paraan.

Lunes, Hunyo 3, 2024

Kahulogan ng Panaginip: Kabayong Puti

 

Puting Kabayo

"Ang kabayong puti sa panaginip mo ay simbolo ng kalayaan at katapangan. Kung nakita mo itong tumatakbo sa parang, ito ay nagpapahiwatig ng pagdating ng isang bagong oportunidad o pagbabago sa iyong buhay. Kung nakita mo itong nakasakay ka, ito ay nagpapahiwatig ng iyong kakayahan na makontrol ang mga pangyayari sa iyong buhay at makamit ang mga gusto mo. Ngunit kung nakita mo itong nasasaktan o nahihirapan, ito ay nagpapahiwatig ng mga pagsubok at mga hamon na kailangan mong harapin sa iyong buhay."

CLICK HERE TO GET ESOTERIC BOOKS


Ang Kahulogan ng Panaginip: "Kabayong Itim"

 



Kabayong Itim

"Ang kabayong itim sa panaginip mo ay simbolo ng kalayuan o kalungkutan. Kung nakita mo itong kumakarga sa'yo, ito'y nagpapahiwatig ng mga pagsubok at mga hamon na darating sa iyong buhay. Ngunit kung nakita mo itong nakatayo sa harap mo, ito'y nagpapahiwatig ng tagumpay at mga pagbabago sa iyong buhay. Ang kabayong itim din ay maaaring kumakatawan sa isang tao o sitwasyon na nagpapahirap sa'yo, at ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na kailangan mong harapin at sugpuin ang mga ito upang makamit mo ang tagumpay."

MGA AKLAT NG KABABALAGHAN


Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...