Miyerkules, Enero 22, 2020

Lemegeton : Clavicula Salomonis Rex (Tagalog Version)



Ang aklat na ito ay orihinal na isinalin ni Kumander Sator mula sa aklat ng mga selyo ni Haring Solomon na Pinamagatang “Lemegeton: Clavicula Salomonis Rex”.

Ito ay nakasulat sa salitang Hebrew at Chaldee. Upang lubos na mapakinabangan ang aklat na ito ng mga Pilipino ay pinagtiyagaang isalin ito sa wikang tagalog.

Ukol sa tagapagsalin, siya ay isang tubong Mindanao na nakabase ngayon sa Hilagang bahagi ng Cotabato. Isang Maestro ng Karunongang Esoterico, Mahika at Panggagamotan Espirituwal. Isang pinuno ng sekretong hukbo sa Mindanao na ang layonin ay kapayapaan, kaunlaran at pagpapatibay ng samahan at pagkakapatiran na hindi salungat sa itinataguyod ng pamahalaan.

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pangalan, mga pagkakasunod, at mga tanggapan ng mga Espiritu na kung saan ay nakikipag-usap si Haring Solomon, kasama ang mga Selyo at mga katangian na pag-aari ng bawat Espiritu, at ang paraan ng pagtawag sa kanila upang magpakita sa pamamagitan ng isang anyo ng tao.

Ngayon, sa Aklat na ito ang LEMEGETON ay nakapaloob dito ang buong Sining ni Haring Solomon. At bagaman maraming iba pang mga Libro na sinasabing sa kanya, ngunit walang kahalintulad nito, sapagkat naglalaman ito ng lahat. Kahit na may mga pamagat na may maraming iba pang mga Pangalan ng Aklat, gaya ng THE BOOK OF HELISOL, na kapareho nito. Huling Aklat ng Lemegeton na tinawag na ARSNOVA o ARSNOTARIA, atbp.

Ang mga Aklat na ito ay unang natagpuan sa Chaldee at Hebrew Tongue sa Jerusalem ng isang Hudyong Rabi; at sa pamamagitan niya ay naisalin ito sa wikang Griego at  sa Latin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...