Bagaman magkaiba-iba ang pamamaraan ng pag-aalaga ng mga gamit espirituwal, na nagdedepende sa kakayahan ng taong nag coconsagra o bumubuhay sa naturang mga gamit, ang pamamaraan na inyong matutunghayan sa ibaba ay para lamang sa mga taong nakakuha ng mga gamit espiritual mula sa pahinang ito.
Ito po ay aking inilalahad sa layunin na malaman ito at maunawaan ng mga taong may taglay mula sa samahang ito.
1. Hanggat maaari huwag suotin kung mag bawas sa CR kung nasa bahay lang naman hubarin muna bilang respito sa gamit. Maaari namang dalhin sa CR kung nasa mga public CR gaya ng mall at iba pa. Depende yon sa sitwasyon lalo na kung walang mapagkatiwalaan na mapag iwanan ng gamit.
2. Maaaring namang madala kahit saan kahit sa lamay, sementeryo at iba pang lugar. Ang bagay na nabasbasan sa Pangalan ng Kataas-taasang Deus ay hindi nasusupil bisa at kakayahan saanmang lugar.
3. Panatilihing maging mabuting tao sa mata ng Deus at sa mata ng kapwa tao. Maging tapat at totoo sa isip, sa salita at sa gawa.
4. Huwag abusohin ang paggamit nito at huwag gamitin sa kasamaan.
5. Huwag lapastanganin o subokin sa maling paraan ang gamit upang hindi ka dalhin nito sa mga matinding pagsubok sa buhay kasama ang buo mong pamilya. Ang gamit na naialay sa Deus ay hindi dapat nilalapastangan na kagaya ng ginagawa ng mga taong walang respito at galang sa mga banal na pangalan ng Deus na naiukit sa medalya, panyo, chaleco at iba na pagbabarilin lamang ng mga lapastangan. Itoy may mabigat na kaparusahan sa Deus.
6. Mas mainam na humiwalay ka sa kalayawan, bisyo, sugal at pakikiapid, itoy magtatanggal ng bisa ng iyong agimat.
7. Alayan lagi ito ng dasal sa araw araw bago matulog at paggising sa umaga o sa mga bakante mong oras.
8. Ingatan na huwag laging nakikita ng mata ng mga tao o suotin na nakatago ilalim sa iyong damit. Ang gamit ay mainit sa mata ninoman at maaari ka nilang subokin o kaya namay nanakawin nila ito sayo.
9. Paigtingin ang pananalig sa Deus una sa lahat, ugaliing mapagdasal o mapagdebosyon.
10. Huwag suotin o hubarin ito kung makikipagtalik sa iyong asawa o kasama sa buhay.
Note : Maaari itong linisin gamit ang suka, o di kayay kalamansi. Huwag linisin ng mga kemikal gaya ng metal polish. Pagkatapos itong malinis ng suka o kalamansi ay mas mainam na punasan ito ng langis ng niyog o di kayay palm oil or olive oil.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento