Lunes, Mayo 10, 2021

Ang Mga Susi Ng Kapangyarihan Ng Deus

 


Ang Mga Susi Ng Kapangyarihan Ng Deus

Ang mga susi na ito ay hango sa mga karunungang lihim na nagmula pa sa mga kanunu-nunoan. Ang mga ito ay nasubok sa napakatagal ng panahon at magpasahanggang ngayon ay ginagamit ng mga taong mahihilig sa karunungang lihim ng Deus. Ingatan, alagaan at pakamahalin ng buong puso, isip at diwa upang ito’y kumasi at magkakaroon ng bisa sa iyong kataohan.

Ang testamento na ito ay banal. Kaya naman hinihikayat ko ang lahat na magtatangan ng karunungang ito ay mamuhay na naaayon sa kalooban ng Infinito Deus na siyang may-ari ng lahat ng kapangyarihan sa buong sansinukob. Ang sinumang magtatangan nito ay gampanan ay sampung kautosan na nakatala sa testament na ito.

Sampung Utos

1. Mahalin ang Deus una sa lahat.
2. Mahalin ang kapwa-tao.
3. Ibigin ang kalikasan may buhay man o wala.
4. Lumayo sa mga dios-diosan.
5. Lumayo sa mga bisyo alak, sugal, droga, sigarilyo at pakikiapid.
6. Maging malimosin sa mga pulubi.
7. Panatilihing mapagkumbaba at iwasan ang pagiging mapagmataas.
8. Huwag kumain ng dugo ng anumang nilalang, ang dugo ay simbolo ng buhay.
9. Ugaliing manalangin sa araw-araw ng iyong buhay.
10. Gawin ang pagkakawanggawa na walang hinihintay na kapalit.

Kunin ang mga ebooks dito: Philippine Esoteric Books
Kunin naman ang mga hard copy ng mga aklat dito: Philippine Esoteric Wisdom


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...