Sabado, Hunyo 3, 2017

ANG MAHIWAGANG MEDALYA NI SAN BENITO


SAINT BENEDICT MEDALLION (MEDALYA NI SAN BENITO)

ANO NGA BA ANG VERTUDES AT MAHIWAGANG KAPANGYARIHAN NG MEDALYONG ITO.

Ang medalyon ni san Benito ay sinasabing isa sa mga pinakamabisang medalyon. Proteksyon ito sa mga masasamang tao , espirito at elemento. Para rin ito pampalayo sa mga demonyo at sa lason. Madali lang rin itong paganahin at madali ring makuha ng birtud nito.

Ang Medalyon ay dasal exorsismo laban kay Satanas, panalangin para sa tibay sa oras ng tukso, panalangin para sa

kapayapaan para sa ating sarili at sa mga bansa sa mundo, ang panalangin na ang krus ni Jesus ay maging ating ilaw at gabay, isang panalangin ng matibay na pagtanggi ng lahat na ay masama.

Ang medalyang ito ay orihinal na nagmula sa isang krus sa karangalan ni San Benito. Ang medalyon ay may imahe ni San Benito, kung saan hawak niya ang HOLY RULE sa kanyang kaliwang kamay at isang krus sa kanyang kanan. Sa Harapan ng medalya ay makikita ang mga salitang ito "EIUS IN OBITUNOSTRO PRAESENTIA MUNIAMUR" ("Kami, sa aming kamatayan, aypagtibayin sa pamamagitan ng kanyang presensya"). Ang likurang bahagi ng medalya ay may krus na may patayong initial na CSSML na ang salin ay ganito"CRUX SACRA SIT MIHI LUX" ("ang mahal na krus ang siya kong maging ilaw") at sa pahalang naman ay ganito NDSMD na tumayo para sa "NONDRACO SIT MIHI DUX" ("Kailan may huwag kong maging patnugot ang DEMONIO"). Ang initial na CSPB ay "CRUX SANCTI PATRIS BENEDICTI" ("Ang Cross na Banal ng Amang San Benito") ay makikita sa panloob na mga anggulo ng krus. Makikita rin ang katagang "PAX" (Peace) o sa Christogram"IHS" ay mahahanap sa tuktok ng krus. Paikot naman sa medalya ay ang katagangVADE RETRO SATANA may initial na VRSNSMV na tumatayo para sa "VadeRetro Satana, Nonquam Suade Mihi Vana" ("Luma yo ka sa akin SATANAS huwag mo akong tuksuhin sa kapalaluan") at ang sumunod ay ang initial na itoSMQLIVB na

ang basag ay "Sunt Mala Quae Libas, Ipse Venena Bibas"("ang inihahandog mo sa akin ay masama, ikaw rin ang uminom ng lason.")



Base sa aking nasipi sa isang note ng dati kong kasama ito ang gamit ng Medalyon ni San Benito:



Daya ng Demonyo

Exorcismo

Hayop na may sakit

Mahirap na panganganak

Sakit, Lintik. Kidlat, Sigwa, sama ng panahon, peste, lason,

apolegia, panginginig.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...