Lunes, Setyembre 24, 2018

MANGLALASON (MANGHILOAY)

MANGHILOAY (Bisaya term)

Isang uri ng mangkukulam o mambabarang na kung saan sa pagkain niya inilalagay ang mga itim na mahika, mga mahika upang malason ang lahat na makakakain nito. Lahat na makakakain nito ay mangingisay sa sobrang sakit ng tiyan, mahihilo, magsusukA at malayo na ang 12 oras babawian na sila ng buhay kung hindi maagapan kaagad.

Kaya mag ingat sa mga handaan lalo na sa mga piyestahan, restawran, birthday party at iba pang mga okasyon. Mahirap kung kayo ay mabiktima sa itim na mahikang panglalason.

Kinakailangan magtaglay ng mga gamit espirituwal na maaaring makakakakontra sa mga itim na mahika gaya ng mga amuletong medalya, habak, talandro, panyo, at iba pa. Ugaliing magdasal sa Deus.

Ang ibang MANGHILOAY ay sa pamamagitan ng tapik sa balikat, at pagtapik sa upoan na iyong inuupoan ay makakaramdam ka na ng pagkahilo. Sila ay may kakaibang mga kakayahan namula sa mga demonyo, lumalakas ang kanilang kapangyarihan kapag meron silang nabibiktimang mga inosenti. Kaya wala silang takot na bumibiktima ng kung sino sino.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...