Sancto Cristo Miracle Oil Ang langis na ito ay ginagamit bilang gamot para sa mga kati-kati sa katawan, kagat ng mga hayop makamandag at hindi makamandag, may rabbies o wala, gamot sa kagat-kagat ng mga insekto. Mainam na gamitin sa panghihilot. Maaaring lagyan ng langis ng niyog kung maubosan ng laman. Ang bote na ito kung iyong dalhin sa inyong katawan ay magtataglay kayo ng liwanag na hindi kayang lapitan at pinsalain ng mga masasamang nilalang, masasamang loob, masasamang espiritu at lahat na masasamang elemento. Kung ikaw naman ay kukulamin ay ibinabalik nito ang kulam doon sa taong mangkukulam at gayon din sa barang. Ligtas ka sa anumang lason espirituwal, tigalpo, palipad-hangin, usog at bati. Makakatanggap ka ng babala sa pamamagitan ng pagkulo nito kung ikaw ay papalapit sa kapahamakan at kapanganiban kung kayat ikaw ay makakapaghanda sa iyong sarili. May dignum santo kristo sa loob ng bote at ibang sangkap. Consagrado at nabasbasan ng lehitimong faith/spirituwal...