Biyernes, Mayo 26, 2017

Mga Ora, Aklat, at Mga Agimat

Ang mga ora na inyong matutunghayan sa ating pahina ay libre ho yan pati ang online healing natin at personal na nakakapunta sa bahay ay ikinagagalak ko po ang makatulong sa inyo na walang kapalit.
Ngunit ang mga aklat at gamit ay pinalilimosan dahil unang una ay gumastos at nagpaluwal din ako ng halaga upang mabuo ang aklat at ipapadala thru Lbc di bale na ang aking hirap at pagod. Pangalawa ay gumastos din ako ng mga materyales at bayad sa pagpapagawa ng mga gamit gaya ng medalyon, habak at iba pa. Nais ko man itong ipamahagi ng libre ngunit hindi maaari sapagkat papaano pa tayo makabili ulit ng mga materyales at makapagpagawa kung lahat na lang libre, papaano pa natin mapagkalooban ang iba na nagnanais din na magkakaroon?
Kung mayaman lang sana ang inyong lingkod ay ilililbre ko po kayo lahat ng aklat at gamit...
Kaso napakahirap ng inyong mababang lingkod at nakikiinternet na nga lang sa pisonet magabayan ko lang kayo...
Maraming maraming salamat sa unawa at pagsubaybay sa ating pahina. Pagpalain nawa tayo ng Ama.






GAMOT SA SAKIT SA ULO

Masakit ba ang ulo mo kapatid?




PAANO GAMITIN ANG MEDALYON SA PANGGAGAMOT GAMIT ANG LANGIS

Sa mga kapatid natin na nagkakaroon na ng mga medalion, maaari niyo itong ibabad sa langis na gagamitin ninyong panghilot. Ibabad niyo lamang ito ng 33 minuto at magagamit niyo na ang langis.
Ang langis ay lalong mabisa na panghaplas sa may arthritis, rayuma, lamig lamig sa katawan, sa may bukol, sa gilid ng sugat, sa pigsa, at mabisa din itong panghilot o pangmasahe sa katawan.
Maraming salamat po.






SALAMAT SA DIOS AMA AT LAHAT NA PAPURI AY SA KANYA LAMANG. MAPAGPALANG UMAGA SA ATING LAHAT MGA KAPATID.

JUST IN......



LINDOL - ANG GALIT NG PANGINOONG DIOS SA MGA TAO

Ipinararamdam niya sa atin na kahit gaano pa tayo kahambog, kahit may mga nagmamagaling dyan na gusto manakop ng bansa at may mga tao na akala mo kung mga sino, ay Dios Parin ang PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.


Job 9:5-6


[5]Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.



[6]Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.


Malapit na, lumapit na tayo at makinig sa Dios, wag na kung ano ano pa mga pinaggagagawa sa buhay. Iwasan na natin naang pinaglalaban at pinagsisikapan lang natin e yung mga bagay dito sa lupa, tapos sa mga salita ng Dios binabalewala lang natin. Worst pinagtatawanan, itinuturing na kaaway pa natin yung mga nagbabahagi ng mga salita ng Dios imbis na magpasalamat tayo sa Dios na sa dinamirami ng tao sa mundo nakakilala tayo ng mga nagsusumikap magbahagi ng salita ng Dios. Huwag puro panlupa ang ipaglaban at pagsikapan natin, ang pagsikapan natin ay yung mga bagay ni Cristo na Panginoon nating lahat , dahil si Cristo ang Salita ng Dios.
Huwag puro mga bagay sa sarili natin ang pagsikapan natin, ang pagsikapan natin ay yung kay Cristo!
Hindi tayo maililigtas ng pagiging famous, hindi tayo maililigtas ng sariling katalinuhan natin, hindi tayo maililigtas ng pera at kayamanan kahit tayo pa pinaka asensadong tao hindi tayo kayang iligtas nyan ang makapagliligtas lang sa atin ay ang PANGINOONG JESUCRISTO kaya sya ang pagsikapan natin na maunawaan!

Sapagka't nasusulat na may ganitong mga tao;

Mga Taga-Filipos 2:21


[21]Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.

Huwag nating hintayin na dumating pa ang panahon na tayo na ang ginigyera, tayo na ang nililindol ng napakalakas dahil baka tulad ng nangyari sa iba hindi tayo tulungan ng Panginoon at PAGTAWANAN NALANG NYA TAYO DAHIL NAUUBOS DIN ANG PASENSYA NG DIOS!

Makinig tayo sa SAWAY NG PANGINOON!

Mga Kawikaan 1:23-33


[23]Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.



[24]Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;



[25]Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:



[26]Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;



[27]Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.



[28]Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:



[29]Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.



[30]Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:



[31]Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.



[32]Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.



[33]Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.


HUWAG NATING HINTAYIN NA TAYO NAMAN ANG MAKARANAS NG MGA KASAKUNAAN
UNAWAIN NATIN ANG KALOOBAN NG DIOS!

Mga Taga-Efeso 5:17


[17]Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


Juan 8:47


[47]Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.




Miyerkules, Mayo 17, 2017

GAYUMA



Gayuma, ito ang pinaka sikat na laging hinahanap ng lahat.  Mapang-akit na personalidad, matagumpay na pagmamahal, panghahalina sa negosyo at sa trabaho.  Mga advertising gimmicks ng mga naglalako ng gayuma at pang halina.  Sa totoo lang ay meron talagang TUNAY na testamento para maka-impluwensya sa kaisipan ng kapwa upang gumawa to o sumang ayon sa kagustuhan mo. Ang testamentong ito ay nag uutos sa isang klase ng spirito upang pumasok sa isipan ng biktima upang ito ay guluhin at itanim sa kanyang kaisipan ang nais mo.  Ang problema lang ay hindi naman ito ganun kasimple gaya ng mga naka tinda sa mga bilao sa Quiapo o sa mga internet shops.  Isa itong masalimuot na proseso at matinding sakripisyo ang kelangan gawin ng isang tao bago mapatalab ang testamentong ito na kinababaliwan.  Kung tutuusin ang gayuma ay pwede ring ihanay sa karunungan ng KULAM.

Ang gayuma ay isang bagay na mabuti kapag ginagamit ito sa kabutihan. At masama naman kapag ginamit ito sa kasamaan. ito'y nagdedepende na lamang sa mga taong nagtatangan nito. Marami sa mga kababayan natin na gumagamit nito upang mapaibig nila ang mga taong nais nilang mapaibig. Kadalasay nagtatagumpay at meron din namang hindi dahil marahil ay hindi nababagay o naaayon sa kanila ang lihim na karunongan na ito. 

Kapag ang gayuma ay ginamit sa kasamaan, aasahan po natin na ito'y maghahatid ng miserableng buhay doon sa taong nagtatangan nito. At kapag ito naman ay nagamit sa kabutihan, ito'y maghahatid swerte doon sa taonjg may taglay nito.




Sabado, Mayo 13, 2017

ANG MAMBABARANG

ANO NGA BA ANG BARANG?

Ang "barang" ay isang uri ng mahika na sinasabing higit-dobleng mas mabagsik kaysa kulam. Ang isang mangkukulam ay walang kapangyarihan laban sa isang mambabarang. Maaari lamang makapaminsala ang isang mangkukulam kung kilala niya ang kanyang biktima ngunit ang mambabarang ay maaaring magdala ng panganib sa kahit na kanino sa pamamagitan lamang nang paghipo o paghawak nito sa mga bagay na may kinalaman sa taong nais niyang saktan o wasakin.

Ayon sa mga pag-uulat, isang perpektong sandali ang Mahal na Araw para sa mga mambarang na maghanap ng talisman at iba pang sangkap para sa ginagawa nilang mabubuti at masasamang gayuma. Madaling-araw ng Biyernes Santo ay naghahanda na sila ng mapaminsalang gayuma subalit hindi ito ipinakikita sa mga tao. Pagsapit ng Sabado de Gloryaa ay inihahanda naman nila ang gayuma na ginagamit upang makapanggamot. At sa Pasko ng Pagkabuhay pagdating ng kinalingguhan, gayuma naman para sa pag-ibig o lumay ang kanilang ginagawa.



BIKTIMA KA BA NG BARANG?

"Nabarang" ang patungkol sa sakit na ipinalalasap ng mambabarang sa kanyang biktima. Ang naturang sakit ay sanhi ng insektong tinatawag na "barang". Base sa artikulong naisulat na tungkol sa mga nabarang, , ang pinagmumulan nito ay ang mga pinaghihinalaang ispesimen, ang Alphitobius laevigatus. Ang insekto ay kamukha ng langaw, alaga ito at pinapakain ng itim na luya ng isang mambabarang sa loob ng bote o bamboo tubes’’.

Sinasabing hindi nakapamiminsala ang mga insektong ito subalit nagiging lubhang mapanganib kapag ginamit ng mambabarang sa hangaring mahika-negra at pangingibabaw ng masamang espiritu. Kapag nabulungan na ng mambabarang, nauutusan niya ang mga insekto upang pumasok sa mga lagusang gaya gaya ng puwit, (nagkakaroon ng almoranas), sa tainga (matinding pananakit ng tainga), sa ilong (pagkakaroon ng balingungoy o malabis na pagdurugo ng ilong).

Ang mas malalim na pagdurusa ay masasalamin sa pagkakaroon ng pagsusugat-sugat na may kulay ube, dilaw, at pula sa bahagi ng mukha at mga braso ng biktima. Ang naturang pagkakasakit ay hindi tumatanggap nang lunas mula sa medikal na doktor. Ang isang espesyalistang mambabarang lamang ang maaaring kumontra sa barang at sa dala nitong pagkakasakit.



MASAMA BA ITO O MABUTI?

Karamihan sa mga gawi ng mambabarang ay sinasabing masama at ginagamit upang idepensa ang sarili. Sinasabing noong araw ay ginagamit ang pambabarang laban sa mga kastila, na tinatawag na mga mapaniil. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, inabuso ng mga tao ang kapangyarihang ito. Ginamit nila ang nasabing lakas laban sa kanilang kadugo at humihingi ng kapalit na salapi sa mga taong nais na may mapaghigantihan.

Ayon pa rin sa mga naisulat, ginagamit ang kapangyarihan ng pambabarang upang magdulot ng pagkakasakit, pagdurusa at kamatayan sa mga kalaban ng kanilang mga "kliyente". Tinatayang umaabot mula sa halagang anim na libo (6,000.00) hanggang tatlumpung libo (30,000.00) bilang kabayaran sa lakas ng isang mambabarang upang makapaghiganti sa mga kadahilanang gaya ng pagnanakaw, paglalaban sa usapin tungkol sa lupa at sa pakikiapid.

Ngunit mayroon ding kabutihang nagagawa ang isang mambabarang. Nagagawa ng kanyang kapangyarihan na lagutin ang mahika ng mangkukulam at ng kapwa mambabarang, itaboy ang demonyo at masasamang espiritu, at magpagaling ng maysakit dahilan sa napakatinding kapangyarihang nasa kanila. Nagagawa rin nila na gawing malusog ang kabukiran o kaya ay gawin itong tuyot, palabasin ang kulog at pahintuin ito at magbigay buhay sa iba pang misteryo.
Sinasabing ang pinakamagaling na lunas para sa barang ay bigyan ng kaparehong pinsala ang nagdulot ng barang sa kanyang biktima. Ipinapayo rin ang paggamit ng psychic diamond shield upang maipanlaban sa barang.


PAANO ITO LULUNASAN?

Ang Shamans na may katawagan ding Mananambal o Albularyo ay mga manggagamot na ginagamit ang kanilang mahika upang mapaghilom ang mga sakit at karamdaman na may mahiwagang sanhi. Sinasabi ng lahat ng mananambal na ang kanilang kapangyarihan ay galing din sa iba pang mahiwagang pinagmumulan gaya ng mga santo at santa o kaya ay ng espiritu ng isang namatay na tao. Sinasabing sentro ng maraming kahiwagaan ang mga lugar na gaya ng isla ng Samar, Siquijor, Sorsogon, Leyte, Dumaguete at Bohol.


Kung sa palagay ninyo ay isa kayo sa biktima ng barang, maaring kumusolta na lamang sa mga sumusunod na detalye:

https://www.facebook.com/kumandersator/
https://twitter.com/kumander_sator
Mobile No. : +639100487695



Huwebes, Mayo 11, 2017

HABILIN NI KUMANDER SATOR


Magandang tanghali po sa lahat na aking mga kapatid:
Napakarami na ho kasi akong natatanggap na mga mensahe sa pribadong mensahero natin na nakabili daw po sila ng mga agimat sa iba't ibang pahina at fb group, mga medalya, habak, talandro, panyo, mutya at kung ano-ano pang mga agimat. Sa akin po kasi sila nagtatanong ano daw po ang mga pakain na dasal doon sa mga medalya nilang nabili nila sa quiapo o sa mga antengero, nagtataka kasi ako eh, bumibili sila ng mga medalya hindi nila alam ang dasal nito. Kapag daw nagmemensahe sila sa fb messenger doon sa pinagbilhan nila, hindi na daw sila sinasagot at tela kinuha lang ang pera nila at naiabot ang gamit ay wala na silang pakialamanan.
Nagtatanong ako doon sa mga nagmemensahe sa akin, bakit ka bumili ng agimat na hindi ka man lang binigyan ng dasal ng agimat mo? Kanino mo ba nabili yan? Pinangalanan naman niya yong tao ngunit ayaw ko na i-mention ang name dito dahil baka ho sabihin ng mga negosyanteng mga antengero na naninira ako.
Naaawa ho kasi ako sa mga kapatid natin na naglilimos ng gamit na napakamahal pa naman ngunit hindi alam papaano ito gamitin. Kaya po sa susunod na maglimos kayo ng gamit nila, pwedi ba pakitanong sa kanila saan ba gamit ang agimat, ano ang mga alituntunin, mga pakain na dasal at ano ang mga bawal nito bago kayo magbitaw ng limos. Dahil baka nakapagbitaw na kayo at hindi niyo na mahagilap yong taong pinanggalingan ng gamit ninyo at sa akin na naman kayo magtatanong.
Hindi po ako madamot sa kaalaman, kahit kanino mo pa nakuha yang agimat mo basta alam ko ang sagot sa mga katanongan ninyo ay sasagotin ko kayo basta sa susunod na pagkakataon ay mag-ingat at manigurado. Dahil ang mga antengerong sugapa sa pera ay maingat din yan at MONEY-gurado.
Concern lang ako sa ating mga kapatid na sa akin nagmemensahe ngunit hindi naman sa akin nanggaling ang mga nalilimosan nilang gamit.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa pahinang ito.

Miyerkules, Mayo 10, 2017

MGA PINAGPAPALA, NANANALIG AT NAGPAPATUNAY

Hindi ko man lang napansin na marami rami na pala silang nabiyayaan ng pagpapala, mga sakit na napapagaling, mga wasak na pamilyang nabuo ulit, mga ginabayan tungo sa tagumpay na pagnenegosyo at pananrabaho, mga kapatid nating nailigtas sa samot-saring kapahamakan at kapanganiban, at lahat na dinatnan ng mga himala.

Itong lahat ay nangyayari sa awa at tulong ng ating Ama sa langit.

Sa karagdagang kaalaman, bisitahin lamang ang mga sumusunod:

https://www.facebook.com/karunonganglihim
https://twitter.com/kumander_sator
Mobile : +639100487695 

Mga Medalyang Naipadala na Sa Ibayong Dagat

Ang mga medalya na ito ay naipadala na sa ating mga kapatid na mga SEAMAN, upang maging instrumento nila sa kaligtasan, proteksyon, depensa sa kanilang sarili mula sa kapahamakan, kapanganiban, masasamang loob at masasamang espiritu habang sila ay nasa gitna ng karagatan.

1 – Cuatro Clavos
1 – Sator
1 – Saint Benedict



Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...