Sabado, Mayo 6, 2017

ANG POOT AT GALIT NG PANGINOONG DIYOS

Hindi lahat ng saway ng Dios ay maamo at malumanay, minsan bumabagsik ang Dios kapag napupuno na siya ng galit sa mga tao.


Isaias 13:9

[9]Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.

Kaya madalas ay lumilindol sa iba't ibang dako, o dumarating ang mga sakuna na siyang ikinamamatay ng marami.
Nahum 1:5-6
[5]Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.
[6]Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.

Katunayan, araw araw galit ang Dios.
Mga Awit 7:11-13
[11]Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw.
[12]Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
[13]Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.

Kaya't huwag nating isawalang bahala ang kaniyang galit, sapagka't ang pagsasawalang bahala sa kalooban ng Panginoong Dios ay isang kamangmangan sa tao.
Mga Taga-Efeso 5:17
[17]Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Magbalik loob sana tayo sa Panginoong Dios, bigyan natin siya ng sapat na panahon, magaral tayo ng mga bagay kay Cristo at huwag puro sarili lamang natin ang ating inaatupag at pinagsisikapan. Sapagka't ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan.
Huwag sana tayong maging kabilang dito.
Mga Taga-Filipos 2:21
[21]Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.

Huwag nating hayaang mangyari sa atin ang mga bagay na ito kapag dumating na ang mga huling araw.
Mga Kawikaan 1:23-33
[23]Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
[24]Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
[25]Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
[26]Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
[27]Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
[28]Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
[29]Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.
[30]Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
[31]Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
[32]Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
[33]Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.

Sa katapustapusan ng salaysay na ito ng mga salita ng Dios ay may isang matigas na salita ang Dios para sa mga tao.
Juan 8:47
[47]Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.

Sapagka't kung hindi tayo interesado, tagatupad, tagapakinig at isinaaawalang bahala natin ang mga salita ng Dios ay maaaring kabilang tayo sa mga ito.
Juan 8:44
[44]Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...