Gayuma,
ito ang pinaka sikat na laging hinahanap ng lahat. Mapang-akit na personalidad, matagumpay na pagmamahal, panghahalina sa negosyo at sa trabaho. Mga advertising gimmicks ng mga
naglalako ng gayuma at pang halina. Sa totoo lang ay meron talagang TUNAY
na testamento para maka-impluwensya sa kaisipan ng kapwa upang gumawa to o
sumang ayon sa kagustuhan mo. Ang testamentong ito ay nag uutos sa isang
klase ng spirito upang pumasok sa isipan ng biktima upang ito ay guluhin at
itanim sa kanyang kaisipan ang nais mo. Ang problema lang ay hindi naman
ito ganun kasimple gaya ng mga naka tinda sa mga bilao sa Quiapo o sa mga
internet shops. Isa itong masalimuot na proseso at matinding sakripisyo
ang kelangan gawin ng isang tao bago mapatalab ang testamentong ito na
kinababaliwan. Kung tutuusin ang gayuma ay pwede ring ihanay sa
karunungan ng KULAM.
Ang gayuma ay isang bagay na mabuti kapag ginagamit ito sa kabutihan. At masama naman kapag ginamit ito sa kasamaan. ito'y nagdedepende na lamang sa mga taong nagtatangan nito. Marami sa mga kababayan natin na gumagamit nito upang mapaibig nila ang mga taong nais nilang mapaibig. Kadalasay nagtatagumpay at meron din namang hindi dahil marahil ay hindi nababagay o naaayon sa kanila ang lihim na karunongan na ito.
Kapag ang gayuma ay ginamit sa kasamaan, aasahan po natin na ito'y maghahatid ng miserableng buhay doon sa taong nagtatangan nito. At kapag ito naman ay nagamit sa kabutihan, ito'y maghahatid swerte doon sa taonjg may taglay nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento