Sabado, Mayo 13, 2017

ANG MAMBABARANG

ANO NGA BA ANG BARANG?

Ang "barang" ay isang uri ng mahika na sinasabing higit-dobleng mas mabagsik kaysa kulam. Ang isang mangkukulam ay walang kapangyarihan laban sa isang mambabarang. Maaari lamang makapaminsala ang isang mangkukulam kung kilala niya ang kanyang biktima ngunit ang mambabarang ay maaaring magdala ng panganib sa kahit na kanino sa pamamagitan lamang nang paghipo o paghawak nito sa mga bagay na may kinalaman sa taong nais niyang saktan o wasakin.

Ayon sa mga pag-uulat, isang perpektong sandali ang Mahal na Araw para sa mga mambarang na maghanap ng talisman at iba pang sangkap para sa ginagawa nilang mabubuti at masasamang gayuma. Madaling-araw ng Biyernes Santo ay naghahanda na sila ng mapaminsalang gayuma subalit hindi ito ipinakikita sa mga tao. Pagsapit ng Sabado de Gloryaa ay inihahanda naman nila ang gayuma na ginagamit upang makapanggamot. At sa Pasko ng Pagkabuhay pagdating ng kinalingguhan, gayuma naman para sa pag-ibig o lumay ang kanilang ginagawa.



BIKTIMA KA BA NG BARANG?

"Nabarang" ang patungkol sa sakit na ipinalalasap ng mambabarang sa kanyang biktima. Ang naturang sakit ay sanhi ng insektong tinatawag na "barang". Base sa artikulong naisulat na tungkol sa mga nabarang, , ang pinagmumulan nito ay ang mga pinaghihinalaang ispesimen, ang Alphitobius laevigatus. Ang insekto ay kamukha ng langaw, alaga ito at pinapakain ng itim na luya ng isang mambabarang sa loob ng bote o bamboo tubes’’.

Sinasabing hindi nakapamiminsala ang mga insektong ito subalit nagiging lubhang mapanganib kapag ginamit ng mambabarang sa hangaring mahika-negra at pangingibabaw ng masamang espiritu. Kapag nabulungan na ng mambabarang, nauutusan niya ang mga insekto upang pumasok sa mga lagusang gaya gaya ng puwit, (nagkakaroon ng almoranas), sa tainga (matinding pananakit ng tainga), sa ilong (pagkakaroon ng balingungoy o malabis na pagdurugo ng ilong).

Ang mas malalim na pagdurusa ay masasalamin sa pagkakaroon ng pagsusugat-sugat na may kulay ube, dilaw, at pula sa bahagi ng mukha at mga braso ng biktima. Ang naturang pagkakasakit ay hindi tumatanggap nang lunas mula sa medikal na doktor. Ang isang espesyalistang mambabarang lamang ang maaaring kumontra sa barang at sa dala nitong pagkakasakit.



MASAMA BA ITO O MABUTI?

Karamihan sa mga gawi ng mambabarang ay sinasabing masama at ginagamit upang idepensa ang sarili. Sinasabing noong araw ay ginagamit ang pambabarang laban sa mga kastila, na tinatawag na mga mapaniil. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, inabuso ng mga tao ang kapangyarihang ito. Ginamit nila ang nasabing lakas laban sa kanilang kadugo at humihingi ng kapalit na salapi sa mga taong nais na may mapaghigantihan.

Ayon pa rin sa mga naisulat, ginagamit ang kapangyarihan ng pambabarang upang magdulot ng pagkakasakit, pagdurusa at kamatayan sa mga kalaban ng kanilang mga "kliyente". Tinatayang umaabot mula sa halagang anim na libo (6,000.00) hanggang tatlumpung libo (30,000.00) bilang kabayaran sa lakas ng isang mambabarang upang makapaghiganti sa mga kadahilanang gaya ng pagnanakaw, paglalaban sa usapin tungkol sa lupa at sa pakikiapid.

Ngunit mayroon ding kabutihang nagagawa ang isang mambabarang. Nagagawa ng kanyang kapangyarihan na lagutin ang mahika ng mangkukulam at ng kapwa mambabarang, itaboy ang demonyo at masasamang espiritu, at magpagaling ng maysakit dahilan sa napakatinding kapangyarihang nasa kanila. Nagagawa rin nila na gawing malusog ang kabukiran o kaya ay gawin itong tuyot, palabasin ang kulog at pahintuin ito at magbigay buhay sa iba pang misteryo.
Sinasabing ang pinakamagaling na lunas para sa barang ay bigyan ng kaparehong pinsala ang nagdulot ng barang sa kanyang biktima. Ipinapayo rin ang paggamit ng psychic diamond shield upang maipanlaban sa barang.


PAANO ITO LULUNASAN?

Ang Shamans na may katawagan ding Mananambal o Albularyo ay mga manggagamot na ginagamit ang kanilang mahika upang mapaghilom ang mga sakit at karamdaman na may mahiwagang sanhi. Sinasabi ng lahat ng mananambal na ang kanilang kapangyarihan ay galing din sa iba pang mahiwagang pinagmumulan gaya ng mga santo at santa o kaya ay ng espiritu ng isang namatay na tao. Sinasabing sentro ng maraming kahiwagaan ang mga lugar na gaya ng isla ng Samar, Siquijor, Sorsogon, Leyte, Dumaguete at Bohol.


Kung sa palagay ninyo ay isa kayo sa biktima ng barang, maaring kumusolta na lamang sa mga sumusunod na detalye:

https://www.facebook.com/kumandersator/
https://twitter.com/kumander_sator
Mobile No. : +639100487695



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-aral At Matuto Ng Mga Bagay Na Kababalaghan At Kapaki-pakinabang

1. Mahilig ka ba sa mga kababalaghan o sa mga gawaing paranormal? 2. Namangha ka ba sa mga taong may kakayahang magpapalayas...