Ang Ikatlong Mata

Ang Ikatlong Mata

Sa larangan ng pag eespirituwal, kinakailangan na bukas ang ating ikatlong mata. Ngunit ano ba ang ikatlong mata o tinatawag na third eye? Sa aklat na ito, tatalakayin natin ang mga paksang ito kasama na ang mga uri ng third eye, mga kakayahan ng isang tao na may bukas na third eye at paano magsisimula upang lubosan na mabuksan ang third eye ng isang tao.

Espiritu Medica

Espiritu Medica

ANG AKLAT NA ITO AY PAWANG NAGLALAMAN NG MGA KARUNONGANG LIHIM NA NAUUKOL SA PANGGAGAMOTAN. DITO MATUTUNGHAYAN ANG MGA BANAL NA SALITA NA EPEKTIBONG NAKAKAPAGPAGALING NG IBA’T IBANG KARAMDAMANG PISIKAL AT ESPIRITUWAL. NARITO RIN ANG MGA PAMAMARAAN NG PAGPAPALAYAS NG MGA DEMONYO AT DIABLO NA SUMASAPI SA KATAWAN NG ISANG TAO. ANG TAONG MAGTATANGAN NITO AY KINAKAILANGANG LUMAYO SA MGA GAWAING MASASAMA SA HARAPAN NG DEUS AT MAMUHAY NA NAAAYON SA KANYANG KALOOBAN. MAHALIN ANG DEUS UNA SA LAHAT AT MAHALIN MO RIN ANG IYONG KAPWA GAYA NG PAGMAMAHAL MO SA IYONG SARILI. ANG MAGTANIM NG MABUTI SA KAPWA AY AANI NG MABUTI AT ANG MAGTANIM NG KASAMAAN AY AANI NG MASAMA. HUWAG MANININGIL NG ANUMANG HALAGA NG SALAPI MULA SA MGA TAONG IYONG GAGAMITIN BAGKUS TUMULONG KA NG WALANG HINIHINGING KAPALIT AT ANG AMA SA LANGIT AY PAGPAPALAIN KA NG LIHIM. HUWAG IPAGDAMOT ANG IYONG KARUNONGAN BAGKUS ITURO MO ITO SA MGA TAONG NAIS MATUTO AT SA TINGIN MO’Y LUBOS SIYANG MAPAGKATIWALAAN AT MAY BUSILAK NA PUSO.

Kapangyarihan Ng Halaman

Kapangyarihan Ng Halaman

Sa ating bansa, dito sa Pilipinas, ang mga taong nag-aaral ukol sa panggagamot at paggawa ng mga himala gamit nag mga herbal na may kasamang mga spell ng karunongang lihim ay tinatawag na mga Albularyo. Na kung saan, sa kanila dinadala ang mga taong may pisikal at espirituwal na karamdaman upang gumaling. Marami ang nais matuto sa gawaing ito ngunit kakaunti lamang ang napagbigyan ng maykapal sapagkat kinakailangan muna ng tao na maglinis ng kanyang sarili at mamuhay sa mundo ng kabanalan. Sa kabila nito, may mga taong gumagamit ng mga halaman din upang makapaminsala ng kapwa gamit din nila ang itim na mahika at sila young tinatawag na mangkukulam at mambabarang.
Ang mga halamang-gamot ay kilalang may mga mga katangiang nauukol sa pagpapagaling ng anumang uri ng sakit o karamdamang pisikal at espirituwal. Ang mga nag-aaral ng mahika ay maaaring gumamit sa alinmang aspeto kapag gumaganap ng isang spell.

Lemegeton : Clavicula Salomonis Rex

Lemegeton : Clavicula Salomonis Rex

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pangalan, mga pagkakasunod, at mga tanggapan ng mga Espiritu nakung saan ay nakikipag-usap si Haring Solomon, kasama ang mga Selyo at mga katangian na pag-aari ng bawat Espiritu, at ang paraan ng pagtawag sa kanila upang magpakita sa pamamagitan ng isang anyo ng tao.

Dito sa aklat na ito nakapaloob ang mahiwagang Sining ni Haring Solomon. At bagaman maraming iba pang mga Libro nasinasabing sa kanya, ngunit walang kahalintulad nito, sapagkat naglalaman ito ng lahat. Kahit na may mga pamagat na may maraming iba pang mga Pangalan ng Aklat, gaya ng THE BOOK OF HELISOL, nakapareho nito. Huling Aklat ng Lemegeton natinawag na ARSNOVA o ARSNOTARIA, atbp.
Ang mga Aklat na ito ay unang natagpuan sa Chaldee at Hebrew Tongue sa Jerusalem ng isang Hudyong Rabi; at sa pamamagitan niya naisalin ito sa wikang Griego at Latin.

Aklat Ng Actum Dei

Aklat Ng Actum Dei

Ang aklat na ito ay naglalahad ng mga karunongang lihim upang malabanan ang paglaganap ng kasamaan sa mundong ating ginagalawan. Dito matutunghayan ang mga karunongan ukol sa proteksiyon, depensa at pangontra sa lahat na uri ng kasamaan na kagaya na lamang sa masamang mahika, kulam, barang, tigalpo, gayuma, hypnotismo at iba pa. Matutunghayan din dito ang mga karunongang makakapigil sa mga binabalak ng mga taong masasama, laban sa bala ng baril at patalim. Marami pang iba ang maaaring matuklasan at mapag-aralan sa aklat na ito. Sundin lamang ang mga pamilin at paunawa sa aklat na ito upang hindi kayo maligaw ng landas sa pag-aaral nito. Gawin ang nararapat na siyang ikakaluwalhati ng Ama na nasa langit na siyang may-ari ng lahat ng kapangyarihan maliit man o malaki.

Aklat Ng Sancto Cristo

Aklat Ng Sancto Cristo

Ito ang aklat na naglalaman ng mga lihim na karunongan na ginamit ng Panginoong Jesucristo sa paggawa ng mga himala, sa pagpapagaling ng mga sakit at iba't-ibang karamdaman, sa paglaban sa mga masasama at pagpapaalis ng mga demonyo.

Aklat Ng 7 Llaves Et 7 Vertudes

Aklat Ng 7 Llaves Et 7 Vertudes

Ang aklat na ito ay naglalahad ng mga karunongang lihim na magagamit at mapapakinabangan sa larangan ng pagpapatibay ng relasyon natin sa Diyos, sa kapwa, at sa kalikasan. Narito din ang mga karunongan sa pagdedepensa sa sarili mula sa masasamang tao, masasamang espiritu, masasamang elemento at iba pa. Matutong manggamot sa paraan ng espirituwal na gamotan gamit ang aklat na ito. Buksan ang ikatlong mata at imulat sa mundo ng kahiwagaan at kababalaghan. Matutong gawin ang mga himala na hindi nagagawa ng karaniwang mga tao. Marami pang mga kababalaghan at mahimalang bagay na iyong matutunghayan sa aklat na ito na maaari mong mapag-aralan at maging kapaki-pakinabang sa iyong sarili at sa kapwa.

Ultima Vota Potente

Ultima Vota Potente

ANG AKLAT NA ITO AY NAGLALAMAN NG MGA PANALANGIN NA KINAKAILANGANG GAWIN NG MGA TAONG NANANALIG AT SUMAMPALATAYA SA DEUS NA SIYANG MAYLALANG NG LANGIT AT LUPA. BAGO GAMITIN ANG MGA DASAL NG AKLAT NA ITO AY MAINAM NA LINISIN MUNA ANG INYONG MGA SARILI MULA SA MASASAMANG HANGARIN, SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA. MANGYARING MAGSISI SA MGA KASALANAN AT BAGOHIN ANG LANDAS MULA SA MAKASANGLIBUTAN TUNGO SA LANDAS NG KABANALAN. PINAGPAPALA NG DEUS ANG SINOMANG TAONG SUMUNOD SA MGA PAMILIN NA ITO AT ANG MGA DASAL SA AKLAT NA ITO AY MAGKAKABISA SA KANYANG KATAOHAN AT HINDI SIYA BIBIGOIN NG DEUS SA KANYANG MGA KAHILINGAN KUNG ITOY MABUTI SA KANYANG HARAPAN.

Karunongang Lihim Ng Sator

Karunongang Lihim Ng Sator

ANG SATOR AY MAY LIHIM NA KAHULOGAN, KASAYSAYAN AT KAPANGYARIHAN NA HINDI ALAM NG SANGKATAOHAN. NGUNIT SA PAMAMAGITAN NG AKLAT NA ITO, DITO MAILALAHAD AT MATUTUNGHAYAN ANG MGA LIHIM NA KARUNONGAN UKOL SA MISTERYOSO AT MAHIWAGANG MGA SALITA NA ITO.

Arkanghel Metatron : Hari Ng Kidlat

Arkanghel Metatron

SA MGA NAIS MAGTAGLAY NG KARUNONGANG ITO, PANATILIHIN ANG MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DEUS, SA MGA ANGHEL AT KAY KING METATRON. UMIWAS SA MGA GAWANG MASASAMA, IWASAN ANG MGA BISYO AT KALAYAWAN. UMIWAS SA PAKIKIAPID, PAGSISINUNGALING AT MAMUHAY SA LANDAS NG KABANALAN. HUWAG GAMITIN ANG MGA SALITA MULA SA TESTAMENTO NA ITO SA WALANG KABULOHAN. GAMITIN LAMANG KUNG KINAKAILANGAN AT NASA MATINDING KAGIPITAN. HUWAG GUMAWA NG KASAMAAN SA KAPWA, ALALAHANIN LAGI NA WALANG MAGTATANIM NG MABUTI NA AANI NG MASAMA NI ANG MAGTATANIM NG MASAMA NA AANI NG MABUTI.

ANG MGA ORACION NI KING METATRON

1. PAGTAWAG NG KIDLAT
2. PANG-UTOS NG KIDLAT
3. PAMPAHINTO NG KIDLAT
4. UPANG MAKAKUHA NG MUTYA GAYA NG NGIPIN, PANGIL AT DILA NG KIDLAT
5. PANIGALPO NI KING METATRON
6. PAMPAAMPAT NG SUGAT
7. GAMOT SA TINAMAAN NG KIDLAT
8. PAMARUSA
9. TIGALPO UPANG MANGINIG ANG KALABAN
10. PAMUKSA SA KAPANGYARIHAN NG DEMONYO O MASAMANG ELEMENTO
11. PAMUGOT NG ULO NG MASASAMANG ELEMENTO
AT MARAMI PANG IBA.

Ang Mga Nararapat na Pag-uugali ng mga Taong May Hangarin na Matutu sa mga Lihim na Karunungan ng Dios

MGA AKLAT NG LIHIM NA KARUNUNGAN Ang taong tunay na may hangaring matuto sa mga lihim at malalalim na karunungan ng Dios ay hindi lamang dap...