Ang Lihim Na Karunongan Ng Abracadabra

Ang Lihim Na Karunongan Ng Abracadabra
Ang salitang ito ay madalas na ginagamit ng mga salamangkero habang ginagawa ang mga magic trick sa entablado. Ang isa sa mga pinaka-karaniwan sa mga incantations na ito ay “Abracadabra”. Bagaman kilala ang salitang ito sa marami, malamang na mas kaunting mga tao ang nakakaalam sa mga pinagmulan nito. Bukod sa 'Abracadabra' mayroong maraming iba pang mga magic words na popular na ginagamit ng mga mago sa entablado. Tulad ng “Abracadabra”, gayunpaman, ang pinagmulan ng mga salitang ito ay isang misteryo din sa karamihan ng mga tao. Habang ang 'Abracadabra' ay karaniwang ginagamit ng mga salamangkero sa entablado ngayon para sa libangan ng masa, ang salitang ito ay sinasabing nagmula sa sinaunang mundo ng Roma. Kung gayon, ang salitang ito ay hindi ginamit para sa mga pagtatanghal, ngunit pinaniniwalaan na naglalaman ng malakas at mahiwagang kapangyarihan sa loob nito. Ngunit ang isa pang teorya para sa mga pinagmulan ng salitang “Abracadabra” ay ang salitang Aramaic na “Avra kadavra”.


Or message me here:

Email : kumandersator@gmail.com
Mobile Phone : 09107374233


Testamento Sagrado Del Virgenes Maria






Sa aklat na ito mailalahad ang lahat na lihim na karunongan na nauukol sa Inang Birheng Maria na hindi kailanman inihayag at ipinagkaloob doon sa mga taong walang pananampalatay sa Deus. Dito sa aklat na ito malalaman ang lahat na pamamaraan ng paggamit ng talandro, medalyon at panyo na nauukol sa Inang Maria na nakabukas ang palad. Mga lihim at mahiwagang mga salita na nagbibigay proteksyon, depensa, kaligtasan at gabay mula sa mga kapanganiban, karahasan, trahedya, tukso, aksidente, salot at sa mga kalamidad. Napakaraming bagay ang maaaring matutunan at tataglayin ng mga taong magdedebsoyon sa karunongang ito kasama na dito ay ang proteksiyon mula sa masasamang loob, masasamang elemento, masasamang nilalang at mga masasamang espiritu. Proteksiyon laban sa kulam, barang, tigalpo, palipad-hangin at sa lahat na uri ng masasamang mahika. Mainam din na depensa laban sa bala at patalim na hanggat maaari ay mainam na taglayin ng mga sundalo, pulis at iba pang nasa panunungkolan ng ating pamahalaan.

Aklat Ng Sanctus Deus Fortis Imortalis

Aklat Ng Sanctus Deus Fortis Imortalis

ANG MGA ORASYON SA AKLAT NA ITO AY BANAL AT KUMAKASI ITO SA MGA TAONG MAY MALINIS NA BUDHI AT MATUWID SA HARAPAN NG DEUS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT. ITOY NAGDADALA NG SUMPA DOON SA MGA TAONG MASASAMA. ANG PAGGAMIT NITO SA KASAMAAN AY AANI NG MASAMA MULA SA KANYANG GINAWA. MAHIGPIT KUNG IPINAALALA NA ANG LAHAT NA MAGTATANGAN NG AKLAT NA ITO AY TIYAKING MAY TAKOT SA DEUS, MAGING MABUTING TAO SA KAPWA AT MAALAGA SA KALIKASAN. ANG PAGGAMIT NITO SA KABUTIHAN, TULONG SA SARILI AT PAGTULONG SA KAPWA AY MAGDADALA SA INYO SA KASAGANAAN SA BUHAY, KALIGTASAN SA KAPAHAMAKAN, KAPANGANIBAN, TRAHEDYA, AKSIDENTE, KALAMIDAD AT ANUMANG SAKUNA.

Arkanghel Metatron

Arkanghel Metatron

SA MGA NAIS MAGTAGLAY NG KARUNONGANG ITO, PANATILIHIN ANG MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DEUS, SA MGA ANGHEL AT KAY KING METATRON. UMIWAS SA MGA GAWANG MASASAMA, IWASAN ANG MGA BISYO AT KALAYAWAN. UMIWAS SA PAKIKIAPID, PAGSISINUNGALING AT MAMUHAY SA LANDAS NG KABANALAN. HUWAG GAMITIN ANG MGA SALITA MULA SA TESTAMENTO NA ITO SA WALANG KABULOHAN. GAMITIN LAMANG KUNG KINAKAILANGAN AT NASA MATINDING KAGIPITAN. HUWAG GUMAWA NG KASAMAAN SA KAPWA, ALALAHANIN LAGI NA WALANG MAGTATANIM NG MABUTI NA AANI NG MASAMA NI ANG MAGTATANIM NG MASAMA NA AANI NG MABUTI.

ANG MGA ORACION NI KING METATRON


1. PAGTAWAG NG KIDLAT
2. PANG-UTOS NG KIDLAT 3. PAMPAHINTO NG KIDLAT
4. UPANG MAKAKUHA NG MUTYA GAYA NG NGIPIN, PANGIL AT DILA NG KIDLAT
5. PANIGALPO NI KING METATRON 6. PAMPAAMPAT NG SUGAT 7. GAMOT SA TINAMAAN NG KIDLAT 8. PAMARUSA
9. TIGALPO UPANG MANGINIG ANG KALABAN 10. PAMUKSA SA KAPANGYARIHAN NG DEMONYO O MASAMANG ELEMENTO
11. PAMUGOT NG ULO NG MASASAMANG ELEMENTO
AT MARAMI PANG IBA.

Ang Ikatlong Mata

Ang Ikatlong Mata

Sa larangan ng pag eespirituwal, kinakailangan na bukas ang ating ikatlong mata. Ngunit ano ba ang ikatlong mata o tinatawag na third eye? Sa aklat na ito, tatalakayin natin ang mga paksang ito kasama na ang mga uri ng third eye, mga kakayahan ng isang tao na may bukas na third eye at paano magsisimula upang lubosan na mabuksan ang third eye ng isang tao.

Espiritu Medica

Espiritu Medica

ANG AKLAT NA ITO AY PAWANG NAGLALAMAN NG MGA KARUNONGANG LIHIM NA NAUUKOL SA PANGGAGAMOTAN. DITO MATUTUNGHAYAN ANG MGA BANAL NA SALITA NA EPEKTIBONG NAKAKAPAGPAGALING NG IBA’T IBANG KARAMDAMANG PISIKAL AT ESPIRITUWAL. NARITO RIN ANG MGA PAMAMARAAN NG PAGPAPALAYAS NG MGA DEMONYO AT DIABLO NA SUMASAPI SA KATAWAN NG ISANG TAO. ANG TAONG MAGTATANGAN NITO AY KINAKAILANGANG LUMAYO SA MGA GAWAING MASASAMA SA HARAPAN NG DEUS AT MAMUHAY NA NAAAYON SA KANYANG KALOOBAN. MAHALIN ANG DEUS UNA SA LAHAT AT MAHALIN MO RIN ANG IYONG KAPWA GAYA NG PAGMAMAHAL MO SA IYONG SARILI. ANG MAGTANIM NG MABUTI SA KAPWA AY AANI NG MABUTI AT ANG MAGTANIM NG KASAMAAN AY AANI NG MASAMA. HUWAG MANININGIL NG ANUMANG HALAGA NG SALAPI MULA SA MGA TAONG IYONG GAGAMITIN BAGKUS TUMULONG KA NG WALANG HINIHINGING KAPALIT AT ANG AMA SA LANGIT AY PAGPAPALAIN KA NG LIHIM. HUWAG IPAGDAMOT ANG IYONG KARUNONGAN BAGKUS ITURO MO ITO SA MGA TAONG NAIS MATUTO AT SA TINGIN MO’Y LUBOS SIYANG MAPAGKATIWALAAN AT MAY BUSILAK NA PUSO.

Kapangyarihan Ng Halaman

Kapangyarihan Ng Halaman

Sa ating bansa, dito sa Pilipinas, ang mga taong nag-aaral ukol sa panggagamot at paggawa ng mga himala gamit nag mga herbal na may kasamang mga spell ng karunongang lihim ay tinatawag na mga Albularyo. Na kung saan, sa kanila dinadala ang mga taong may pisikal at espirituwal na karamdaman upang gumaling. Marami ang nais matuto sa gawaing ito ngunit kakaunti lamang ang napagbigyan ng maykapal sapagkat kinakailangan muna ng tao na maglinis ng kanyang sarili at mamuhay sa mundo ng kabanalan. Sa kabila nito, may mga taong gumagamit ng mga halaman din upang makapaminsala ng kapwa gamit din nila ang itim na mahika at sila young tinatawag na mangkukulam at mambabarang.
Ang mga halamang-gamot ay kilalang may mga mga katangiang nauukol sa pagpapagaling ng anumang uri ng sakit o karamdamang pisikal at espirituwal. Ang mga nag-aaral ng mahika ay maaaring gumamit sa alinmang aspeto kapag gumaganap ng isang spell.

Lemegeton : Clavicula Salomonis Rex

Lemegeton : Clavicula Salomonis Rex

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pangalan, mga pagkakasunod, at mga tanggapan ng mga Espiritu nakung saan ay nakikipag-usap si Haring Solomon, kasama ang mga Selyo at mga katangian na pag-aari ng bawat Espiritu, at ang paraan ng pagtawag sa kanila upang magpakita sa pamamagitan ng isang anyo ng tao.

Dito sa aklat na ito nakapaloob ang mahiwagang Sining ni Haring Solomon. At bagaman maraming iba pang mga Libro nasinasabing sa kanya, ngunit walang kahalintulad nito, sapagkat naglalaman ito ng lahat. Kahit na may mga pamagat na may maraming iba pang mga Pangalan ng Aklat, gaya ng THE BOOK OF HELISOL, nakapareho nito. Huling Aklat ng Lemegeton natinawag na ARSNOVA o ARSNOTARIA, atbp.
Ang mga Aklat na ito ay unang natagpuan sa Chaldee at Hebrew Tongue sa Jerusalem ng isang Hudyong Rabi; at sa pamamagitan niya naisalin ito sa wikang Griego at Latin.

Aklat Ng Actum Dei

Aklat Ng Actum Dei

Ang aklat na ito ay naglalahad ng mga karunongang lihim upang malabanan ang paglaganap ng kasamaan sa mundong ating ginagalawan. Dito matutunghayan ang mga karunongan ukol sa proteksiyon, depensa at pangontra sa lahat na uri ng kasamaan na kagaya na lamang sa masamang mahika, kulam, barang, tigalpo, gayuma, hypnotismo at iba pa. Matutunghayan din dito ang mga karunongang makakapigil sa mga binabalak ng mga taong masasama, laban sa bala ng baril at patalim. Marami pang iba ang maaaring matuklasan at mapag-aralan sa aklat na ito. Sundin lamang ang mga pamilin at paunawa sa aklat na ito upang hindi kayo maligaw ng landas sa pag-aaral nito. Gawin ang nararapat na siyang ikakaluwalhati ng Ama na nasa langit na siyang may-ari ng lahat ng kapangyarihan maliit man o malaki.

Aklat Ng Sancto Cristo

Aklat Ng Sancto Cristo

Ito ang aklat na naglalaman ng mga lihim na karunongan na ginamit ng Panginoong Jesucristo sa paggawa ng mga himala, sa pagpapagaling ng mga sakit at iba't-ibang karamdaman, sa paglaban sa mga masasama at pagpapaalis ng mga demonyo.

Ang Mga Nararapat na Pag-uugali ng mga Taong May Hangarin na Matutu sa mga Lihim na Karunungan ng Dios

MGA AKLAT NG LIHIM NA KARUNUNGAN Ang taong tunay na may hangaring matuto sa mga lihim at malalalim na karunungan ng Dios ay hindi lamang dap...